Chapter 8

21 5 0
                                        

Blaze's Pov

Seriously? Wow Fire and wind kaya pala kinulong kami sa baloon noon tsaka gumamit ng apoy. Ano pa kaya ang kapangyarihan ng kapatid ko?

"oo na ikaw na ang mas malakas ang dugo. I love you darling" Sabay nguso ni mama kaya bago pa mangyari ang mangyari ay binatukan ni Luqui ang magulang namin. Natatawa nalang ako habang pinapanood sila.Salita naman ng salita ang emcee na kesyo daw sayaw na ang susunod.

"May I have this dance my princess?" Alok ni papa sa akin. Kinuha ko naman 'yon at pumwesto na kami sa harapan at sentro. Kung saan kita kaming dalawa ng papa ko.

"Sorry sa pagkukulang ko anak. Pero lagi naman kitang binabantayan at minamahal kahit malayo ka. Kahit hindi mo pa ako ganoon kakilala ay mahal kita dahil dugo kita. Pangalan mo nga ang nasa resto diba? Pero iba kasi ang pangalan mong sinabi ni lola mo."Oo nga no? Zera ang pangalan ng resto. Hehe ang galing marami na pala akong pera. Yohoh!

"Si Luqui naman ay sa Hotel natin." Wait. Mas mayaman pala ang kapatid ko?

"Wah! Sa'kin nalang ang hotel papa!"

"Sa dinami dami ng sinabi ko doon ka lang nagreact anak" Natatawang sabi ni papa. Hihihi oo nga no pero masaya ako para kay Luqui. Bata pa s'ya pero nakabuwis na ang buhay niya. Kaya kating kati na ang mga kamay kong magtraining ei.

"Alam mo pa lagi akong umiiyak kapag nasasaktan ako. Dahil akala ko wala na kayo. Kapag nagagalit ako iniiyak ko nalang dahil nasasaktan ako. Kapag din nagtatampo ako umiiyak din ako.Hinahanap ko kayo palagi. Okay lang po na hindi kayo ang nag-alaga sa'kin dahil ramdam ko na po ngayon ang pagmamahal ninyo hindi bilang boss pero isang ama. Isang amang napakagwapo at napakabait." Napaluha naman ako doon dahil sa kirot at galak na nararamdaman ko. Crush ko pala si papa noon diba?

"Sana po papa hindi na po ninyo ako iiwan dahil baka po hindi ko na kayanin" Yinakap ako ng mahigpit ni papa kaya napayakap ko na rin. Napakasaya naman hihi.

"Oo naman anak. Hindi ka namin hahayaang mawalay ulit. Baka ikamatay namin ang pagkawala mo ulit kong ganon." Natawa naman ako doon.Sayaw kami lang ng sayaw ni papa pero ilang saglit lang ay may pumunta sa amin.

"Mahal na mahal kita anak tandaan mo 'yan" Binigay ako ni papa sa susunod. Awkward.

"Helo po mahal na prinsesa. Ako po pala si Hop. Isa akong dragon pero tinransform ako ni bossing Luqui bilang tao." what! Teka pero ang gwapo niya.

"helo Hop. Ang gwapo mo naman hehe. Sana makita kita sa totoong pagkatao mo pagkatapos nito. hehe ang kyut mo naman. Papisil nga" Pipisilin ko na sana pero may umepal.

"Ehem. Hop ako na" Umalis si Hop at sumunod naman ang 3rd.

"Anong pangalan mo?"

"Ako po si Des mahal na prinsesa. Isa po akong daga pero hindi ordinaryo ha?" Natatawa naman ako sa mga ginagawa ni Luqui sa mga alaga niya.Possesive brother ang peg.

Nagsayaw kami nina Cris, Vil, Nux at iba pa. Kapagod naman pala nito buti nalang naka flat shoes ako. Paparating ang 17th dance ko pero aura palang niya irita na ako ei.

"May I have this dance?"

"Ayoko" Pero bago pa ako tumalikod ay kinuha na niya ang kamay ko at hinawakan ang bewang ko.

"Ako pala si Zuquire Hull from the second kingdom Belarias." Oh? so ito pala. Okay gwapo siya pero may parte sa akin na ayaw siya.

"Hindi pa pala naibabalik ang ala ala mo Zee"

Kagubatan sa ProbinsyaWhere stories live. Discover now