Hay bangon bangon na. Naligo akoi at nagbihis na. Pinili ko ang isang rugged fitted jeans at pinair ko sa sando ko saka nagbolero. Mas gusto ko ito kesa sa yong nakikita ang dalawang naglalakihang bundok na siyang nang aakit ng mga lalaki. hehe
Bumaba ako at saka kumain tapos nag toothbrush. Nasa sofa naman si mama, papa at Luqui na nanonood ng TV. Kiniss ko sila isa-isa at nagbabye na ako.
Gagamitin ko nalang ang motor na regalo sa akin ni Luqui. hehe hindi pala regalo hiling ko pala. Gustong gusto ko kasi ito sobra e.
"Ikaw nalang muna ang gagamitin ko baby Siklo ha?" Pinaandar ko na at dumrecho sa school kung saan kami magkikita kita. Nagpark ako sa parking lot ng mga motorsiklo at hinayaan na doon. Wala naman kasing sinong gagalaw doon dahil may magic na nandoon. Hindi nila mahahawakan kung ibang tao ang hahawak. Chargeable ang mga lahat ng bagay dito.
Nakita ko naman si Zuquire na may hinihintay. Lalagpas na sana ako pero nagsalita siya.
"Kanina ka pa namin hinihintay mahal na prinsesa"
"Okay sorry so tara na" Naglakad na siya at sumunod nalang ako sa kanya. Hanggang nakarating kami sa isang napakalaking puno na may Tree House. Dito pa lang ay naririnig ko na ang mga halakhak nila.
"Wow ang dami yata nila ah" Sabi ko kay Zuq na kanina pa walang imik. Nauna siya na umakyat sa hagdanan at sumunod ako.
"Guys nandito na si Zera" Sabi niya. Nakarinig naman ako ng mg paang tumatakbo papunta sa amin kaya nagtago ako sa likod ni Zuq. Natatakot ako e kasi baka pag guluhan kami. Kumapit ako kay Zuq at napapikit nalang. Hanggang sa tumigil na ang mga labag. Minulat ko naman ang mga mata ko at nakitang ang higpit pala ng hawak ko kay Zuq at kita na rin ang likod pati ang abs niya. Yumyum. Nakita ko rin sina Quill, Daphni, Hero at pati na rin si Graze! wahh! Namiss ko ang mga 'to. Ordinary lang si Graze pero para sa akin hindi. Classmate ko siya noong gradeschool pa kami at masasabi kung siya ang pinakaclose ko sa lahat.
"Look who's here. Ang kumakapit sa FIANCEE KO" Sino to? Fiancee niya si Zuq? Okay another revelation.
"I'm sorry. Ah Uh hello guys" with that sumugod sa akin ang dalawang babae at umiiyak sila.
"I miss you Graze at Daphni huhuhu" Umiiyak na din tuloy ako. Huhuhuhuhu .
"Wahh! Ikaw! Zera! Bakit hindi ka nagpaalam!" -Daphni
"Sorry po dahil wala nang oras noon. I love you both" Si Daphni ang prangka at laging nagtatanggol noon sa akin while si Graze ang laging kasama ko at pinakamatapang sa amin. Si Hero naman ang tumatayong kuya namin dahil One year older siya sa aming lahat. Si Quill naman ang shy type at ang hindi ganun nagsasalita sa amin pero kahit ganon ramdam namin ang pagmamahal niya. Si Zuq naman ang whole body guard ng squad namin siya ang guardian namin noon dahil siya ang pinakamalakas.
"Hello Quill, hello Hero. Masaya ako at nagkikita kita tayo ulit" Tumango at ngumiti si Quill omo! Cute dimples I crush you na.
"Oo nga Zera dahil 13 years tayong nagkahiwalay" Si Hero na napakalapad ng ngiti. Tahimik naman si Zuquire na pinuluputan ng kanyang fiancee daw na mukhang palaka.
Pumasok kami sa dining area at kumain muna habang nagtatawanan. Maya maya pa ay nagsalita si Daphni.
"Prinsesa Zera hindi talaga ako makapaniwalang nandito ka ulit. Namiss talaga kita. Tignan mo mas maganda na ako kaysa sa iyo"
"Na uhh! Mas maganda ako kaysa sa inyong dalawa ni Graze" Hihi hindi ako magpapatalo sa kagandahan ko ano.
"I'am more beautiful than you, you, you" Turo sa amin ng kokak.

YOU ARE READING
Kagubatan sa Probinsya
ФэнтезиAng Kagubatan sa Probinsya ay naglalaman ng Apat na Kaharian pero may isang kahariang nagngangalang Plovias na siyang sisira ng magandang Kagubatan. May isang babaeng nagngangalang Zera na napunta sa Mortal world dahil pilit siyang kinukuha ng kasa...