Blaze's Pov
Natulog ako dito sa kwarto ng kapatid ko pero ako sa kama at siya sa sahig dahil hindi ko namalayang natadyakan ko siya at nahulog siya sa sahig. H'wag ninyo akong sisihin kasi hindi ko naman matandaan ei. Sorry ha?
"Luqui, anong oras na?"
"arggg! seriously! Ang aga mo naman!" May dinrawong siyang bilog sa wrist niya at umilaw ito. Hindi ko naman masilip dahil nasa itaas ako ei.
"10 am na! matutulog pa ako!"
"Ah-uh makasigaw ka jan. Mas matanda ako sa'yo ha. H'wag kang ganyan Luqui dahil ate mo ako at ako ang susundin mo okay? Bawat salita mo dapat may ate." Mahinahong sermon ko dahil baka magrebelde to kapag sigawan ko. Tsaka kakakilala lang namin pero sisigawan ko? Baka akalain niya weird ako o baka baliw.
Luqui's Pov
Napakasarap marinig ang mga salitang mga ganito mula sa mahal kong kapatid. Napakalumanay kahit na sermon ito. Nakakaiyak dahil hinahanap hanap ko ito buong buhay ko. Umiiyak ako pero hindi ko pinapakita dahil baka sabihin niya bakla ako. Kahit kakakilala lang namin ramdam kong mahal niya ako at hindi niya ako iiwan.
"Ikaw ang baby ko mula ngayon Baby Luqui. Hihihihi Ganda no?" Ano! Haysh. Luqui relax lang, ate mo siya. Respeto respeto.
"Bakit hindi ka sumasagot jan Baby Luqui? Tulog ka na ba ulit? Kailan ako pwedeng magtraining ha?" Yan ang hindi ko alam dahil siya ang prinsesa at mahirap turuan ang mga may royal bloods. Ako nga hirap na hirap silang itraining ako dahil hindi nila ako kayang saktan.
"Nakuu ate. Hindi ko po alam kung kailan. Tanungin nalang po natin sila mama at papa" Pero pwede na yata dahil 18 na sya. Teka-sinabi ko bang 18??
"Wahhhh! Ate!!! Sino first at last dance mo!!!!" bakit hindi ko sinubaybayan 'yon ? Bakit!!
"Ha? Anong ibig mong sabihin Luqui? Wala pa e" Slow
"Sa debut mo po ate"
"Wala. Ngayon ang birthday ko Luqui dahil 12 midnight kami nakarating dito. Ayy tayo pala." Wah! so ganun? pwede pa pala? Pero may plano yata sila mama doon ei.
"Tara na po ate labas na tayo. Narito yata si tanda ei"
"Ha? Sinong tanda Luqui!!!" Si papa. Pero tumakbo na ako, Lagot kasi ako ei.Sumunod naman si ate sa akin as usual dahil hindi niya alam ang kusina.Ang sarap ng feeling na nandito lahat ang mga taong nasa iyo palagi. Mga taong masisigurado mong importante.
" Tanda! Andito ka na pala? Kaylan ka pa po nandito papa? Pasalubong ko?"
"Oo naman anak. Kanina lang may inasikaso kasi ako sa resto ei. Ito pala 'yong bigmac mo baby tsaka fries mo" Abot niya sa akin. Wohoh!! Sarap.
"Gusto mo ate?" Tanong ko kay Ate dahil nakatunganga lang sya.
"Hello baby Blaze. Halika na andito ang papa mo. Pag-uusapan natin ang debut mo."
"Sir?" Sir? Bakit sir? O? oo pala si tanda pala ang boss niya sa resto.
"Siya ang papa mo anak. Siya ang boss mo sa resto. Siya ang laging gumagabay sa'yo"
"Paano po?"
"Blaze ako ang tatay mo at ako palagi ang nasa tabi mo. Ultimo pag-uwi mo nanjan ako lumilipad. Kahit brown-out ginagawa kong meron." Hihihihi upo na nga lang ako. Bahala kayo jan.
"Scrreeechhh!"
"Wahhh tanda naman oh! Pag ako natamaan ng kutsilyo anong gagawin mo!"
YOU ARE READING
Kagubatan sa Probinsya
FantasyAng Kagubatan sa Probinsya ay naglalaman ng Apat na Kaharian pero may isang kahariang nagngangalang Plovias na siyang sisira ng magandang Kagubatan. May isang babaeng nagngangalang Zera na napunta sa Mortal world dahil pilit siyang kinukuha ng kasa...