Chapter 6

23 5 0
                                    

Blaze's Pov

"Anong ako! Anong kapatid ko!" whutt? kapatid ko tong kumag na to! Pinaloloko ba nila ako? Kamukha ko nga 'tong reynang 'to pero 'tong kumag na 'to ay hindi!

"Oo ikaw apo ang panganay na anak ni Reyna.Pinunta ka nila sa bahay kubo namin noon dahil ipapapatay ka ng mga Plovias. Alam namin ang kakayahan ng mga Plovias. Bata ka palang noon kaya madali kang mapapaikot sa puso at baliktarin kapag nakuha ka nila. Minabuti nilang ibigay ka sa amin dahil may kapangyarihan kaming taglay na hinding-hindi ka mapapasukan ng kalaban. 'Yang peklat mo ay ang nagsisilbing protekston sa'yo araw araw. Hindi lamang tayo tao apo. May taglay tayong kapangyarihan at ikaw ang pinakamalakas kapag matututunan mo lahat" Ganun ba? Kaya ba may apoy na lumalabas sa kamay nila kanina? Nabigla ako at natakot pero minabuti ko nalang na wag silang tanungin kanina.

Napakahirap naman ng ganito. Ako pa daw ang prinsesa ei ni isa ay wala akong kapangyarihan. Tsaka ano ba naman sila. Hay Maiintindihan ko naman siguro 'to balang araw.

"E bakit wala akong kapangyarihan Lo? Tsaka akala ko ba namatay na ang mga magulang ko? La naman ei. H'wag kayong magbiro ng ganyan. Iiyak talaga ako la" Iiyak talaga ako. Takot ako sa mga multo edi mas lalo pa dito sa mga Plovias. Mga taong may pakpak at mga taong nag aanyong hayop.

"Anak ko, patawarin mo sana ako. Baby ginawa namin ang lahat para sa kabutihan mo" Alam ko namang ampon ako pero hindi ko naman aakalaing isa akong prinsesa dito. Napakahirap ang responsibility ng taong powerful. Nararamdaman ba ninyo ang bigat ng aking damdamin?

"Reyna baka po nagkakamali kayo. Marami po akong kamukha sa syudad. Lumaki po ako doon at siguradong hindi po ako."Sabi ko sa kanilang lahat.

"Ang ama mo ay nasa syudad din at binabantayan ka niya araw-araw. Bukas pupunta siya rito para dito na mamalagi anak" Mahinahon at mahinhin na sabi ng reyna.

"Halika ipapakita ko sa'yo ang mga litrato mo mula pagkabata mo hanggang sa paglaki mo" Hinila ako ni reyna. Ano bang pangan nito?

"Teka lang po mahal na reyna. Ano po ang pangalan mo?"

"Ako pala si Zyra at ikaw si Zeraq anak."

"Ito ka noong baby ka pa lamang. Napakaganda mo at napakabubbly mo. Iyak ako ng iyak noong sinabi ng matanda na kapag hindi ka mailalayo sa'min ay mawawala ka. Napakahirap mailayo ang anak mo sa'yo. " Naluluhang sabi niya kaya niyakap ko nalang siya. Naiwan pala sina La at Lo sa labas kasama si Luqui.

"Si Luqui ang nakakabatang kapatid mo. Dahil siguro naulila kaming dalawa ng ama mo ay naenergize kaming gumawa ulit ng isa. Hehehe siya ay 13 years old pa lamang baby pero napakatatag niya. Once a week ka niyang binibisita sa syudad at minamatyagan ka niya. Ayaw ka niyang mapahamak at malagay sa panganib. Mahal na mahal ka niya anak" Mahabang litanya ni mama. Err okay dahil naman sa nakita ko sa litrato ay ako nga 'yon kaya accept nalang ang kapalaran. Alam ko namang mahal na mahal ako ni Papa J ee.

"Pwede ko po ba kayong tawaging mommy?"

"Oh gesh baby. Anything will do. Payakap nga?"

Hinayaan ko nalang si mommy na yakapin niya ako. Hindi ko din alam kong ano ang magiging reaksyon ko pero alam kong masaya ako. Napakagaan ng kalooban ko ngayon.

Lumabas na kami doon at nadatnan si Luqui na nag-iisa. Wait... Nasaan si Lola at lolo!

"Luqui!!!! Nasaan sila lolo at lola?!"

"Umuwi na sila dahil hindi sila pwedeng mamalagi dito baka mapasama sila na tirahin ng mga kalaban" Bakit?  bakit hindi man lang nila ako hininta? Bakit? huhuhuhuhu

Lumabas ako at tumatakbo pero alam kong hindi ko sila maabotan dahil sumakay sila sa ibon.

"Lola!!!! Lolo!!!! bakit po ninyo ako iniwan dito!!! bakit po!!! Hindi ko po alam ang gagawin ko dito!!!" Huhuhuhuhu peste.Papa J pwede ba akong magmura kahit peste lang? Kahit ngayon lang po. Umalis na po kasi ang mga nagalaga sa akin at mga magulang ko ei. Nakakainis po Papa J. Sorry po sa mga kasalanan ko pero ibalik pow ninyo sila dito.

"Hindi mo na sila maaabutan. Nasa syudad na sila sa mga oras na ito" Luqui.

"Bakit hindi ka man lang kumatok!!!" galit kong bulyaw sa kanya.

"Kakatok po sana ako pero pinigilan nila ako. Sabi po nila ay mas mabuting hindi na sila magpakita sa'yo dahil iyakin ka daw po. Sorry po ate" Pagkarinig ko ng ate ay naguilty ako. Tumakbo ako palapit sa kanya at nagsorry. Oo pala ate pala ako nitong batang 'to na napakakulit.

"Sorry 'ding ko. I'm sorry. Sorry sa nasabi ni ate ha?" Niyakap ko pa s'ya ng napakahigpit dahil alam kong kailangan ko ito. Napamahal ako kina lo at la kaya napakasakit ngayon ng puso ko.

Kailangan nila akong iwan dahil alam nila ang mabuti sa hindi. Mahal nila ako kaya ganito ang ginawa nila. Katulad ko ay nagtitiis at magtitiis sila sa sakit. Kailangan ko lang magpakatatag dahil ito ang nakabubuti. Tuturuan ko ang puso kong magmahal sa mga tao dito kong tao man sila.

Bukas na bukas ay mag aadjust ako sa lahat ng bagay pero kailangan ko muna sa ngayon ng pahinga.

"Luqui, gusto ko sanang magpahinga. Makikitulog ako sa kwarto mo." Gusto ko kasing maramdaman ang may kapatid. Gusto ko din s'yang alagaan at magpakaate sa kanya habang buhay.

"Ate naman ei! May kwarto ka po doon ka" aba'

"Kung sinabi kong doon ako sa kwarto mo matutulog doon ako. Period walang kasunod. abot langit muna" Nagmarcha na ako pero

"Saan ang kwarto mo. tara na at pagod na pagod na ang katawan ko."

Nakita namin si mama at nakangiti s'ya. Ang weird naman pala ni mommy bakit? May pinapanood kaya siyang di ko kita?

Kagubatan sa ProbinsyaWhere stories live. Discover now