Chapter 15

12 2 0
                                    

Daphni's Pov

Hindi pa nagigising si Zera at hindi namin alam kong anung nangyari. Basta basta nalang kasi siyang natumba at nawalan ng malay. Ano ba kasing trip nito at naglublob sa tubig. Kakikita lang namin e meron nang hindi magandang nangyari.

"Kailan kaya ito magigising ay" Sabi ni Graze na siyang nakakita kay Zera. Si Quill my loves ang bumuhat sa kanya at nagtransform naman si Hero na kabayo.

"Ewan ko nga e. Nakakatol ba ito at hindi niya alam na pwede siyang mamatay sa tubig" Haysh kasi e.

"Bago siya mawalan ng malay ay nakita ko ang guardian water na siguro siya ang nagligtas sa kanya." wow may guardian water na siya? Ibang klase talaga itong babaeng ito. Pero what do I expect? nasa first and the most powerful kingdom siya e.

"Zera! Zera!" Sigaw ni Graze kaya nagpanic kaming lahat. Tumakbo kami sa bed ni Zera at nakitang gising na siya.

"Kumusta ka na? Ano ba kasing trip natin Zera?" nag smile naman siya sa aming lahat na parang baliw.

"Ayy naku guys okay lang ako. Ang ganda ng ngiti ko dahil nakikita kong nag aalala kayo sa akin. Diba ang ganda ? Hihihi" Baliw. Aysh

"Gandahin mo mukha ko" -Me

"Diba dapat gandahin ko mukha ko?"

"Oo na ano bang nangyari?" -Me

"May bigla bigla kasing nanghila sa akin. Ang pangit na parang shokoy. Tapos hinihila niya ako paibaba. Buti nalang at naalala ko si Zerana. Basta ang pangit talaga nun. Parang kamukha mo Daphni. Tapos 'yon biglang umilaw ang noo ni Zerana. Naramdaman kung kumalas ang kamay niya sa akin. Tapos umahon kami ni Zerana. Tapos nakita ko si Graze na papunta sa akin. Nagtataka nga ako bakit hindi niyo napansing nawawala ako?"

"Tapos ka nang magsalita?" Tanong ko.

"Oo bakit may iba pa ba akong sasabihin?"

"Hoy!!! Excuse me!!! Koyita iyon!! Buhok ko pa lang ibang iba na kami!! Si Graze ang kamukha non ano!!" Sigaw ko. Yuck eww talaga. Mga koyita ay mga masasamang nilalang sa ilog. Kaya dapat mag-ingat ingat sa pagsisid.

"Hoy!! Anong ako!! Ikaw daw iyon Daphni!!" sigaw naman ni Graze.

"Baka ikaw Zera ang kamukha nun kasi kinukuha ka niya!"

"Wow ha guys, sa lahat ng sinabi ko bakit iyon pa ang napansin ninyo?" "Ang sama po ninyo Daphni at Graze" May acting luha luha chu chu pa siya. Binatukan ko nalang.

Blaze's Pov

Ang ganda ng ngiti ko dahil kahit hindi kami magkakasama noon ay pinapahalagahan nila ako. Hindi dahil ako ay prinsesa kundi dahil ako ay kaibigan nila.

"Hinahanap ka na nila mama at papa ate" Sabi ni Luqui na gulong-gulo ang buhok at reddish ang kanyang kulay puting mata. Kagagaling yata nito sa iyak ei. 

"Halika nga dito baby Luqui, bakit ganyan ang mata at buhok mo? " tanong ko.

"iyak iyan ng iyak at siya ang nagbantay sa'yo jan sa tabi mo dahil ayaw kaming kami ang magbantay sa'yo" sabi ni Hero na nandidito rin.

"Tara kain na tayo ate. Namiss na kasi kita ate e." yaya ni Luqui sa akin dahil na rin yata sa pagod ay sumunod na ako. Okay na daw kasi ako sabi ng doctor ko, Hinihintay lang nila akong magising. Pagkatapos naming kumain ay umalis na ang mga kaibigan ko para makapag rest na sila.

"Baby Zera please be careful eveytime okay? Hindi natin alam kung ano ang mga balak ng mga Plovias." sabi ni mama na umiiyak na rin. Nilapitan ko siya at hinaplos ang kanyang buhok para patahanin pero mas lalo lang siyang umiyak. Angkan ba kami ng iyakin at iyakin kaming lahat?

"Mommy naman. OO naman ano, always akong mag reready para sa inyo at sa lahat. Huwag ka ng umiyak mommy" Alok ko. Pumunta naman ako kay papa at niyakap siya dahil hindi siya nagsasalita.

"Papa bakit hindi kayo nagsasalita? Naiinggit ba kayo ? Kiss na din kita papa" kayong lahat ang inspirasyon ko okay? Magpapalakas ako para sa inyo. Mahal na mahal ko kayo. Umupo sa tabi ko si Luqui at natulog sa lap ko, Hinayaan ko nalang ahil alam kong pagod na rin siya. Bukas na rin ang starting of classes namin at official training ko.

**Sorry po natagalan ang update ko busy kasi ako lately :)

Leave po kayo ng comments guys para itutuloy ko ito.

#Nijuuichi_jcb

Kagubatan sa ProbinsyaWhere stories live. Discover now