Chapter 5

29 7 0
                                    

Blaze's Pov

Hindi ko talaga inaasahang ganito pala ang palasyo dito sa Kagubatan. Napakagulo at napakaingay. Hindi ko pa alam kong ano ang dapat bang ekspresyon ko hanggang ngayon dahil dumaan kami sa root ng kahoy na ito at pagpasok namin e ganito pala kalaki.

Ano ba ito? Anong nangyayari? Paanong tagarito ako e ang pangit dito. Hindi ako nangiinsulto ngunit alam kong totoo kasi ito.

"Ganyan talaga sila magmula nang mawalay ang prinsesa ng Kagubatan" E nawala lang e ganun agad agad ang reaksyon? Seryoso ba sila? Ang weird naman pala dito akala ko sa mundo lang namin ang ganun.

May nakikita akong mga taong lumilipad at kumikinang.Iba't-iba ang kulay ng mga buhok nila at ganun rin ang mga pakpak nila. May mga hayop ring lumilipad pero ganun din ang pakpak nila. Akala ko lumalangoy ang isda pero dito ay lumilipad sila.

Napakagulo nga dito tss. Ba't ba kami napasok nila lola at lolo dito. Dito ba talaga ako nanggaling? Seriously?

"Magandang gabi sa inyo mga Zeralias!" Pasigaw na sabi ni Luqui kaya napahinto ang lahat. Agad naman silang pumwesto sa kani-kanilang pwesto. Ang isda ay pumunta sa may tubig. Ang mga baboy ay sa kulungan nila.

"Ako ay naparito upang ipakilala sa inyo si Blaze. Ang batang dinala sa mga tao at nagbalik" Napanganga naman silang lahat sa sinabi ni Luqui. Bahala kayo kong anu ang nasa utak ninyong itsura ng isdang nakanganga. Agad naman silang nagbow pati na rin sila lolo at lola kaya nagbow din ako.

"Kami lang po ang magbobow"

"Bakit? Excempted ba ang maganda?" Tanong ko kay Luqui. Mahirap na baka mapahiya nga sila. Agad namang napangiwi si Luqui sa sinabi ko.

"Tara na po pasok na tayo sa palasyo" Ako naman ang literal na napanganga. Whut! Akala ko ito na 'yong palasyo? Juskoo paano?

May lumipad na ibon na parang unicorn pero maliit papunta kay Luqui. Kung alam ninyo ang totoong ibon ganun kaliit. 'Yong ibon na nakakalipad ha? Hindi 'yong steady lang.

"Tara na po"

"Anong tara na po ka jan? Paano tayo kakasya jan sa ibon na yan? Baka mapitpit siya. Ikaw talaga loko kang bata ka"Sabi ko. Ang sama kasi niya. Wala s'yang awa sa ibon.

"Apo, h'wag kang masyadong madaldal. Okay?" Kumapit si lola sa akin at ganun din si Lolo.

Nakita ko namang may binulong si Luqui dahilan para magtransform ang ibon sa mas malaking Ibon.Napanganga ulit ako sa nasaksihan ko kaya hindi ko alam kong anu ang ipapakita kong reaksyon.Nahiya naman ako sa sinabi ko kanina kaya nagsorry ako kay Luqui.

"Kumapit kayong mabuti." Instruction ni Luqui kaya 'yon ang ginawa namin. Habang lumilipad ang ibon ay hindi ko maiwasang mapangiwi dahil parang namatay ang itsura ng lugar. Walang masyadong ilaw at walang enerhiyang babalot sa iyo kundi lungkot at takot lamang.

"Nandito na tayo" Bumaba kami sa ibon at nagtransform ulit ito bilang maliit na ibon. Dito lang ako namangha. Sa palasyo ng kagubatan. Pumasok kami dahil 'yon ang sabi ni Luqui at naghintay ng anim na minuto at dalawang minuto.

Nilibot ko ang mata ko at nakitang Golden white ang theme ng palasyo. May mga nagliliparang mga paru-paro at mga ibon na s'yang naglilinis ng mga dumi sa ceiling. Maya-maya pa ay may bumabang paru-paro at ito yata ang pinakamagandang paru-parong nakita ko. Parang may ilaw sa kanyang buong katawan. Golden white din ang kanyang buong pakpak at parang blue ang mata. Nagtransform siyang tao kaya nagitla ako.

"Wahhh! Lola uwi na po tayo. Pakiramdam ko kasi pinaparusahan tayo ei! 'Yong sinabi ko kay Papa J na kunin 'yong walis La!" maktol ko. Pakiramdam ko talaga ayaw kami ni Papa J ei. Mahihilo na yata ako.Napakamisteryoso naman dito.

"Apo hindi. Ano ka ba naman hahaha Ikaw talaga. " Tawang-tawa naman silang lahat sa akin kaya mas lalong parang mahihilo na ako. Maya-maya pa ay nakita ko ang sarili ko kaya hindi ko ulit maiwasang magtanong.

"Lola salamin po ba 'yan?"

"Apo hindi. Siya ang reyna ng kaharian na ito" Reyna s'ya bakit kamukha ko s'ya? May pagkatanda nga lang s'ya pero pareho kami ng mukha.

"Magandang gabi anak.Nakabalik na pala kayo"Pagbati niya kay Luqui. Isang palakpak pa lang niya ay agad na nagtransform ang lahat na paru-paro sa kanilang anyong-tao at nagsitrabaho na.

"Bigyan ng makakain ang bisita natin. Ihain ang pinakamasarap na pagkain sapagkat nakabalik na ulit ang aking mga anak" Utos ng reyna. Nagbow ulit sila lola at lolo kaya ako din ay nagbow.

"Iha hindi mo na kailangang lumuhod" Pahayag ng reyna.

"Bakit po? Exempted po ba ang pangit?" Napahalakhak naman si Luqui sa sinabi ko kaya hindi din maiwasan nila Lolo at Lolang mapatawa.

"Kanina maganda ngayon naman pangit" Sabi ni Luqui. Syempre nanliit ako ei no? Ang ganda ganda kaya ng reyna. Baka sabihan pa ako nitong napakapiling ko kaya pedeng magsinungaling minsan?

"Oo dahil ikaw ang prinsesa" Tama ba ang narinig ko? Prinsesa si Luqui? Bakla pala 'to ?

"Luqui hindi mo naman sinabing bakla ka. Hindi naman ako chismosa ei. Hindi ko naman ipagsasabi." Bulong ko kay Luqui na nasa tabi ko.Napatawa ulit siya kaya naweirduhan na ako.

"Baliw"Yun lang ang nasabi ko.

"Ikaw Blaze ang prinsesa at si Luqui ang nakakabatang kapatid mo" Sabi ni prinsesa. Ano raw?  Kapatid daw? Nagjojoke ba ang mga ito?

Kagubatan sa ProbinsyaWhere stories live. Discover now