Vice' POV
Grabe ang sakit parin ng tuhod ko. May pagka kabayo din pala yung babaeng yun? On point ang kicking skills niya. Kaloka.
Ako nga pala si Jose Marie Viceral. Vice ang tawag nila sa akin. Isa akong 4th Year HS student. Pero dahil nga sa K-12, Grade 10 ako ngayon. Magaling ako sa arts and music. Hindi naman gaanong matalino pero marunong naman ako. Yun nga lang hindi nila napapansin ang mga karunungan ko. Mas binibigyang pansin nila yung kasarian ko.
Uunahan ko na kayo. Hindi ako bakla. Malambot lang ang galaw ko. Sabi nga nila, Babae ang Gender Expression ko.
Ang Gender Expression, ito yung ways in which we each manifest masculinity or femininity. Each of us expresses a particular gender every day by the way we style our hair, select our clothing, or even the way we stand. Our appearance, speech, behavior, movement, and other factors signal that we feel – and wish to be understood – as masculine or feminine, or as a man or a woman----
*No internet Connection*
Ayy shet naubos na 3g ko! Staight english na sana oh! tsk. Search niyo na lang. Bigay ko link. cheret
Basta ang iba sa atin hindi match ang gender expression sa biological gender. Kaya madalas, hindi nagkakaunawaan.
Lalaki ako. lalaki nga ba?
Bakit nga ba bwisit na bwisit sakin yung babaeng yon?!Baliktanaw
Nagulat ako ng biglang may tumawag sakin.
"Vice! Lutang ka na naman" tawag ni Ma'am Perez.
Hindi ko namalayan na nakapasok na siya ng classroom upang magsimula na ang klase namin sa TLE.
"Sorry po, Ma'am. May iniisip lang"
3:30 na nang matapos ang klase namin. Kasama ko ngayon ang bestie kong si Teddy. Papunta kami ng court dahil may training pa kami ng volleyball boys dahil malapit na ang game namin laban sa
KABA University.
Pero kampante kami dahil hindi sila gaanong magaling sa volleyball. mas magaling sila sa soccer. Sipaan kasi. tatak KABA U.
Kahit training pa lang namin ay marami na ang nanonood.
sa kalagitnaan ng training, nahati ang buong team sa dalawang grupo upang maglaban.
Hindi kalayuan nasipat ng aking mga mata ang babaeng kanina ko pa hinahanap.
Si Karylle.
pero hindi siya nanonood sa amin. Kasama niya sina Vhong, kumakain ng merienda. haaay ang takaw talaga.
Natigil naman ako ng biglang may sumigaw.
"Vice!!!!" sigaw ni Teddy sa akin dahil papa rating na sa akin ang bola.
Dahil sa taranta, na-Mali ako ng pag receive at tinamaan ko patalikod.
"Araaay!!" Pamilyar yung boses. Boses ni Karylle.
at hindi siya nagkamali, paglingon ay nakita niyang hinihimas ni K ang kanyang noo. At napansing nahulog ang juice na iniinom nito sa kanyang homework sa notebook.
"patay" yan na lang ang nasabi ko at agad ko siyang nilapitan.
"OMG Karylle!"
*O-OMG oh why you looking at me.* (char)
"Omygash Karylle, okay ka lang? I'm so sorry hindi ko sinasa--" natigil ang aking sinasabi ng bigla niya hinatak ang mukha ko papalapit sakanya.
Nagkatitigan ang mga mata namin at bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko ng mas nilapit pa niya ang kanyang mukha.
Nang bigla siyang sinampal nito ng di gaanong malakas ngunit tumatak sa kanyang pisngi.
"Tinamaan mo na nga yung noo ko, nasayang pa yung sampung pisong orange juice ko. Salamat ha?" Sarkastikong pasasalamat Karylle.
Imbis na magalit dahil sa sampal, ay natawa na lamang si Vice.
"at bakit ka natatawa aber? sinadya mo siguro na tamaan ako no? Ang kapal ng mukha mo!" akmang sasampalin ulit ni K si Vice, ngunit napigilan nito ang huli.
Hawak ni Vice ang kamay ni K kung saan dapat ang pang sampal nito.
nabigla naman si K nang biglang ilapit ni Vice ang kanyang mukha, at bumulong.
"Talagang mas concern ka pa sa sampung piso kesa sa hw mong nabasa" seryoso ngunit may halong pang-aasar na sabi nito sa dalaga.
Natigil naman ang dalaga sa pag titig sa binata ng narinig ang huling sinabi nito
"Shit. yung homework ko!" nag-aalalang sabi ni Karylle at agad kinuha at pinunasan gamit ang kanyang palad dahil wala siyang ibang pang punas.
"yung homework ko. yung homework ko" paulit ulit at mangiyak-ngiyak na sabi ni Karylle habang sinusubukang patuyuin ito.
Dahil sa taranta, hindi inaasahang mapunit ang bahagi ng papel dahil na rin sa basa pa ito kaya madaling mapunit.
Lugmok na lugmok si Karylle dahil sa nangyari. Wala na siyang pakealam sa sumasakit sa kanyang noo, pati na rin ang namantsyahan niyang damit. Mas nag aalala siya sa kanyang homework dahil pinaghirapan niya itong i-solve buong araw.
nakita naman ni Vice kung gaano naapektuhan si Karylle sa nangyari.
"Sorry" maamo at parang bata na sabi ni vice habang nakahawak sa kanyang batok at inabot ang kanyang panyo na medyo basa na ng pawis.
Pag angat ng mukha ni Karylle ay nakita niya ang mukha ni Vice na tagaktak ang tulo ng pawis.
*may itsura din pala tong baklang to. akala ko chaka* sa isip ni Karylle
Agad tumayo si Karylle upang umalis at hindi na lamang pinansin ang kaninang iniisip. Umalis na ito ngunit biglang lumapit muli kay Vice.
tinitigan nito ang mukha ng binata. Mas lumapit naman ang mukha niya kaysa kanina.
"Araaay!" sigaw ni Vice ng biglang tapakan ng malakas ni Karylle ang kanyang paa.
"Masakit ba, baby?" hinawakan ni karylle ang pisngi ni vice na may halong pang aasar na kunyari ay naaawa. At inis na iniwan nito ang binata.
"Jeskelerd. Kabayo na nga ang paa, paasa pa" pa iling-iling ngunit patawang sabi ni Vice habang tinititigan palayo kasama si Vhong na nakitang hinalikan ang noo ni Karylle sa bahagi ng natamaan nito.
"Masakit, Baby" may halong sabi ni Vice na Hindi alam kung ano ba talaga ang tinutukoy.
-------
"Hoy bakit ka nangingiti dyan, baliw ka na ba"
"May naalala lang akong maganda"
"Karylle, gusto kita."
BINABASA MO ANG
Baliktanaw (ViceRylle)
FanfictionDalawang estudyante. Iisa ang school, iisa lang din ba ang nararamdaman ng puso? Parehas ang hilig, parehas ba nilang hilig ang isa' isa? Lahat ba ay umuuwi sa pag iibigan? O isa lang itong parte dahil hindi pa ito ang dulo?