Chapter five.

948 61 2
                                    

Naging maganda naman ang resulta ng unang araw ng kanilang Science Week at naging masaya naman ang lahat sa pagsasama ng mga group teams. Well...lahat nga ba?

Kinabukasan, mas naging ginanahan ang mga estudyante dahil sa activity na kanilang gagawin sa araw na iyon. Bawat laro ay kailangan salihan ng lahat ng grupo at maglalaro sila bilang isang team.

Unang laro: Dalawang magkapares ay kailangan makatawid sa kabilang dulo at bumalik sa starting line ng naka tali ang magkabilang binti ng magpares.

Binigyan lamang sila ng limang minuto upang magplano ng estratehiya. Napagdesisyunan ng Yellow Team na gawing Girl-Boy ang magpares upang mapadali. Nagsimula na silang magpares at tila sinadiya naman ng tadhana dahil natira na lamang si Vice at Karylle.

"I guess I'm stuck with you then" nanlolokong ngiti ni Vice kay Karylle habang nakapamulsa.

Inirapan na lamang siya ng dalaga at pinilit na humanap kung mayroon pang natitirang lalaki na pwede niyang i-partner.

"Bulag ka ba? Ako na nga partner mo diba?" sabi ni Vice at madaliang tinali ang magkabilang binti nila upang hindi na ito maka-angal pa.

"Aray! ang higpit naman!! 'Pag ako di nakalakad ng maayos ah!" inis na sabi ni K.

"Edi kakargahin kita!" natahimik na lamang si Karylle sa sinabi ni vice at tumingin na lamang sa ibang direksiyon.

Nasa pinakahuli ng linya ang dalawa kaya medyo mahaba haba pa bago sila. Kasalukuyang nauuna ang Yellow team sa ibang grupo na labis ikinagana ng lahat.

Nang malapit na silang dalawa ay inakbayan ni Vice si Karylle na ikinagulat ng dalaga.

"A-anong ginagawa mo? Ta-tanggalin mo nga yan" naiilang na sabi ni Karylle

"bakit? May problema ba?" inosenteng tanong ni Vice at bigla naman siyang tinitigan ng masama ni K.

"Oh easy lang! Ang init na naman ng dugo mo. Baka matunaw ako niyan. Sige ka, wala ka ng mamahalin." sabay kindat nito sa dalaga

"Pwede ba? bitaw--"

"Pwede din ba ha? Kumapit ka na lang din sakin para hindi tayo matapilok. Pag ako nagasgasan..." singit ni Vice.

"Edi Masaya!" sarkastikong sabi ni K.

"hmp! Maldita!"

"tse! Baklita!!"

Natigil naman sila ng biglang tinawag sila dahil sila na pala ang sunod. Dahil nga hindi magkasundo ang dalawa sa kung sino ang masusunod ay hindi naging maayos ang paglalakad nila at minsa'y natatapilok pa. Dahil dito nauunahan muli sila ng ibang grupo.

"Ano ba Karylle!! Ayusin mo nga! Sabay nga yung paa natin!" sita ni Vice

"Sumasabay naman ako ah! Ikaw kaya tong ayaw sumunod!" dahil sa inis ay binilisan ni K ang paglakad at walang pakealam sa binata.

"Hoy teka lang madadapa tayo sa ginagawa mo eh!" Sigaw ni Vice kaya mas lalong inunahan ni K ang paglalakad.

Ngunit tila nagkatotoo ang sinabi ni Vice dahil natapilok si Karylle. At dahil nga magkatali ang kanilang binti ay hindi sinasadyang masama si Vice at sabay silang nahulog habang magkapatong.
Hindi inaasahan ni Karylle ang pagkahulog nila ngunit parang may kakaiba siyang naramdaman na hindi niya naramdaman nung nahulog din silang dalawa ni Sixto noon. Hindi niya malaman kung ano ito kaya labis siyang naguluhan.

"Ahh... K? Okay ka lang? Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Vice

Bumalik naman bigla sa ulirat si Karylle at hindi napigilang mamula ng mapansin niyang magkapatong parin sila. Agad itong umalis sa ibabaw niya. Sabay naman tumayo ang dalawa upang tapusin na ang laro. Nakabalik na sila sa starting line at sumalubong sakanila ang mga dismayadong mga kagrupo dahil sila na dapat ang mananalo kung hindi lang silang dalawa nag-inarte.

Baliktanaw (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon