"Karylle, gusto kita... matagal na. Sana tanggapin mo to."Inis na naglalakad si karylle habang dala ang malaking teddy bear na bigay ng kanyang manliligaw. Kasama pa rin niya si Vhong dahil ihahatid siya nito pauwi gaya ng araw araw nilang ginagawa. Sa halip na tulungan ay pinagtatawanan na niya ito.
"Oh ano naman? Pati ikaw pinagtatawanan ako! Salamat talaga sa suporta!" Sarkastikong sabi ni K.
"Walang anuman" inosenteng sabi ni vhong
"Navaarrooo!!" inis na sigaw ni Karylle
"Tatlonghari!!" natatawang panggagayang tono ni Vhong
"Pwede ba? kung mang-iinis ka lang, iiwanan na kita dito! Bwisit." sabi ni Karylle at nauna nang maglakad paalis.
"Bahala ka. May multo diyan sa hallway" pananakot ni Vhong.
"Wala akong pake." tuloy tuloy na paglalakad ni Karylle.
"Edi sige. Ingat sa pag-uwi, Bruh. madami pa namang masasamang loob diyan. Nabalitaan ko pa naman sa Bente Kwatro Patrol yung babaeng estudyante na nanakawan na nga, sinaksak pa. Naku! delikado na talaga ang panahon ngayon" Nag-aalala na may halong pangongonsensiya ni Vhong sa kanyang kaibigan.
"Tara na"
Natawa na lamang si Vhong nang bumalik at hinila siya ni Karylle pauwi. Pero sa kabilang dereksyon ito tumungo.
"Oh bakit ka bumalik?" tawang tanong ni vhong
"Sa kabila pala yung exit" seryosong sabi ni K
Napangiti na lamang si Vhong nang mapagtanto na natakot nga ang dalaga. Ngunit hindi niya ito inaamin sa kanyang bruh dahil pagtatawanan siya lamang nito. Napangiti muli si Vhong habang nakatingin sa kamay niyang hila-hila ni Karylle.
Sa kabilang banda, Magkakasama naman sila Vice, Teddy, at iba pang volleyball players sa canteen. Nagpapahinga sila doon, dahil kakatapos lang ng training nila. Ilan din sa players ang nagkakagusto kay K.
"Uy, pre si K oh!!" Agad namang napalingon si Vice.
"Shet ang ganda talaga, may dala nanamang regalo oh!"
"Kelan nga ba walang inuwing regalo yan. Hahaha!"
"Maldita naman tse." Sabat ni Vice habang tinitignan ang magkaibigang naghihilahan.
"Mabait yan kuys, sabi ng bestfriend ko, si Jugs. Kaibigan nya din kasi si K." Sabi ni Teddy.
"Sus, mala-anghel lang ang mukha, pero hindi ang ugali." Sagot nyang muli.
"Sa mga nanliligaw at may atraso lang daw ang sinusungitan nyan eh"
"Kaya pala, kaya pala ang init ng dugo sakin." Natawa nalang si Teddy sakanya.
"Hay nako, bahala sya. Hahaha, osya mga kuys, uwi na ko! Papahinga pa ko." At nagpaalam na din sya sa coach nila.
Karylle's POV
"Naka uwi na din ako sa wakas. Kaloka yung teddy bear, Ang laki! Hindi naman ako tinulungan ni Bruh! Napakagaleng talaga! Magkano kaya 'to? Mahal siguro. Isang libro na din to oh." umandar na naman ang pagiging kuripot niya.
BINABASA MO ANG
Baliktanaw (ViceRylle)
Fiksi PenggemarDalawang estudyante. Iisa ang school, iisa lang din ba ang nararamdaman ng puso? Parehas ang hilig, parehas ba nilang hilig ang isa' isa? Lahat ba ay umuuwi sa pag iibigan? O isa lang itong parte dahil hindi pa ito ang dulo?