Pagkatapos ng gabing iyon, naging maayos naman ang pakikitungo ni Vice at Karylle sa isa't isa bilang magkaibigan. Madalas silang magkasalubong sa hallway dahil magkatapat lang naman ang kanilang classroom. Madalas na din silang magkita lalo na't nalaman ni Karylle na magkaibigan din pala si Vice at Billy. Kaya minsan ay sumasama na din si Vice sa grupo nina Karylle.Kasalukuyan namang nakaupo si Karylle sa labas ng hallway dahil tapos na din naman ang klase at may dalang gitara. Dahil nga tulala ay nagulat siya ng tabihan siya ng isang lalaki.
"Hi!!!" masiglang bati ni Vice kay Karylle.
"AYYY PUSA!!! Ang hilig mo talagang manggulat ano?" gulat na sabi ni Karylle.
"Pusa naman ngayon! Ang dami mo talagang friends!" sabay silang napatawa dahil sa sinabi ng binata.
"Anong ginagawa mo dito? 'San mga kasama mo?" dugtong nito.
"Naghahanap kasi akong multo eh" seryosong sagot nito habang nakatingin sa kawalan.
Napatingin naman si Vice sa paligid at napalunok dahil sa sinabi ng dalaga.
"Oh bakit? Don't tell me natatakot ka?" pang-aasar ni Karylle.
"Huy h-hindi ah!" pangungumbinsi ni Vice ngunit napa-iling na lang si Karylle at natawa.
"Wala, nag-aaral lang ako ng chords."
"Marunong ka pala mag-gitara?" interesadong tanong ni Vice.
"Hindi, props lang to talaga. Oo naman, actually ginagawa ko to, everytime na malungkot o naguguluhan ako."
"Bakit? May problema ka ba?" nag-aalalang tanong ng binata.
"Wala naman. Wala... Medyo naguguluhan lang ako." sabi ni Karylle at pilit na ngumiti.
"Naguguluhan? Sa love life yan 'no?" patawang sabi ni Vice.
"Pag ganon, love life agad?!"
"Malay ko ba kung may boyfriend ka!" natatawang sabi nito ngunit may halong pagtutumpok kung may boyfriend nga ba ito
"Hindi ako nagbboyfriend. Hehe. Ayaw nila mama eh."
"buti na naman." bulong na sabi nito ngunit hindi nakatakas sa pandinig ng dalaga.
Nagtaka naman si Karylle dahil sa kanyang sinabi. "Huh? Anong buti naman? What do you mean with that?"
"Ahh ano... Ibig ko sabihin buti na naman di ka pinapayagan. Bata ka pa kasi." pangungumbinsing sagot ni Vice.
"Isang taon lang naman agwat natin, kung maka-bata ka."
"Well, I'm still older than you." natatawang sabi ni Vice.
"Eh basta ganun na rin yun! Matanong ko lang. Diba marami kang manliligaw? Hindi mo man lang ba sila kinikilala?" dagdag pa nito.
"Mas gugustuhin ko pang maging kaibigan nalang sila kesa manliligaw."
"Ahh ganun ba?...sayang naman" bulong muli ni Vice.
"Alam mo kanina ka pa puro bulong dyan, para kang timang." natawa na lang si Karylle ngunit kasalungat naman sa reaksiyon ni Vice na natahimik na lamang.
"Uhm... Anong song ba yang inaaral mo?" tanong ni Vice at kinuha ang papel na naglalaman ng chords.
"Ngiti? Bakit naman ito? Nako! Siguro may crush ka no?" pang-aasar ni Vice at sabay kiniliti ng bahagya ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Baliktanaw (ViceRylle)
FanfictionDalawang estudyante. Iisa ang school, iisa lang din ba ang nararamdaman ng puso? Parehas ang hilig, parehas ba nilang hilig ang isa' isa? Lahat ba ay umuuwi sa pag iibigan? O isa lang itong parte dahil hindi pa ito ang dulo?