Lumipas ang mga araw na hindi pinapansin ni Karylle si Vice. Kahit anong pilit ng binata na makausap ito, mas lalo lang itong lumalayo. Kaya patuloy siyang nag-iisip ng plano upang makausap na niya ang dalaga.
"Ano bang pwedeng gawin para pansinin niya 'ko?" Tanong ni Vice sa kanyang sarili habang kumakain sa canteen table.
"Si Karylle ba yang tinutukoy mo?" Tanong ng lalaking nagsalita sa kanyang likod.
"Ikaw yung kaibigan niya diba?" Gulat at nahihiyang tanong ni Vice sa binata.
"Best friend, actually. Vhong brad." Pakilala ni Vhong kay Vice at umupo kaharap nito. Tinitigan niya lang si vice ng ilang segundo na para bang inuusisa ang lalaki na nasa harap niya.
"What?" Tila naiinip na tanong ni Vice kay Vhong dahil hindi siya iniimik nito. Nagulat na lamang siya nang bigla siya nitong pinitik sa ilong.
"Araay! Ano bang problema mo? Ang weird mo ah!" Inis na tanong ni Vice dahil hindi niya alam ang trip ng kausap.
"Para yun sa mga iniyak ni karylle"
Pinitik niya ulit ang ilong ni Vice ngunit mas malakas. "At para yun sa'yo dahil wala kang ginagawang paraan." Seryosong sambit ni Vhong."Alam mo kota ka na sa ilong ko. 'Wag mo nga ko igaya sa ilong mo---oh ayan na naman pipitikin na naman ako!"
"Seryosohin mo nga ako, ikaw na nga tong tutulungan eh." Tumahimik na lamang si Vice nang mapansing tumataas na ang tono ni Vhong.
"Nandito ako para tulungan ka para magkaayos na kayo ng kaibigan ko dahil hindi ko kayang nakikita siyang malungkot. Ngayon kung wala ka namang gagawing paraan, minabuti ko nang lapitan ka." Sambit ni Vhong.
"Sinusubukan ko namang mag-reach out pero halata namang iniiwasan niya ko. Hindi ko nga alam kung bakit siya galit sakin eh. Gustong gusto ko na siyang makausap." Bakas sa tono nito ang lungkot ng binata.
"Alam mo kasi, kung magpaasa ka lang siguraduhin mo nang wala kang girlfriend. Akala ko pa naman bakla ka." pabulong na sabi ni Vhong na labis na ikinagulat ni Vice.
"Wait. Anong sabi mo?" Tanong nito.
"Akala ko pa naman bak--" inulit naman ito ni vhong ngunit pinigilan agad siya ng binata.
"No not that one! Yung isa! A-ako may girlfriend? Buti ka pa informed, ako hindi." Sabay smirk nito.
"Teka, brad. W-wala kang girlfriend?" Nagtatakang tanong ni Vhong at tinanguan ito ni Vice bilang sagot. "So hindi mo girlfriend yung dating kaibigan nila Karylle?"
"Huh? Teka, dating kaibigan ni K? Wala akong kilala at nakilala na kaibigan nila K! Sino ba yan?"
"Si... si Bea." Mahinang tugon ni Vhong. Hindi din naman agad nakasagot si Vice dahil sa gulat.
"Si Bea? Magkaibigan sila ni Bea?" Gulat na gulat na tanong ni Vice sa binata.
"Paulit ulit tayo brad? Bingi ka ba? At tsaka correction, dating kaibigan. Hindi na ngayon."
"P-paano? Kailan pa? Bakit hindi na? Anong nangyari?"
"Ang dami mo namang tanong! Ano to fast talk? Ako ba sila, brad? Wala bang nababanggit sayo yung magaling mong kaibigan?" Tanong ni Vhong.
"W-wala. Ano bang nangyari? Liwanagan mo nga ako kasi gulong gulo na ko eh." Pagmamakaawa ni Vice dahil hindi na talaga niya ma-gets ang mga nangyayari.
"Haaay nako brad, mahabang istorya! Ganito kasi yun...."
Sabay naman silang napatingin sa taas tila ba may napapanood na mga pangyayari mula sa nakaraan. Hindi naman na ikkwento ng author ang nangyari dahil nabasa niyo naman na ito sa huling kabanata. Wag na tamad. Basahin niyo na lang ulit.
BINABASA MO ANG
Baliktanaw (ViceRylle)
FanfictionDalawang estudyante. Iisa ang school, iisa lang din ba ang nararamdaman ng puso? Parehas ang hilig, parehas ba nilang hilig ang isa' isa? Lahat ba ay umuuwi sa pag iibigan? O isa lang itong parte dahil hindi pa ito ang dulo?