chapter seven

952 44 2
                                    

Pagkatapos ng gabing iyon tila na kumpirma na nga ni Karylle sa kanyang isipan na si Sixto ang kanyang nakakausap sa text pero imbis na matuwa ay parang dismayado pa sa kanyang nalaman dahil hindi niya matanggal sa isip na parang mayroon siyang inaasahang ibang tao kaya't mas naguguluhan siya sa kanyang sitwasyon.

Kasalukuyan siyang nasa kanilang classroom na naka palumbaba sa kanyang armchair. Dahil nga malalim ang kanyang iniisip ay hindi niya namamalayan na nakatutula na pala siya sa kawalan.

"EARTH TO KARYLLE!!!!!!" Sigaw ni Anne sakanya.

"Huh? Bakit?" Inosenteng sagot niya at bumalik na sa realidad.

"Tulala ka nanaman, gurl! Kanina ka pa dyan ha, ano ba problema mo?" tanong ni Anne at umupo sa kanyang tabi.

"Wala, may iniisip kasi ako."

"Ano naman yun?"

"Anne, May napapansin ka ba kay Sixto?" takang tanong nito sa kanyang kaibigan.

"What do you mean?"

"Parang sya kasi yung katext ko eh!" problemadong sabi ni Karylle.

"Oh so? Ano naman problema dun?"

"Eh baka kasi ano eh. Baka...alam mo na. Diyan nagsisimula ang lahat eh."

"Balita ko nga din, may popormahan daw sya eh, pero di ko alam kung sino. Hmmm, bantayan nalang natin mga galaw niya, okay?" tumango na lamang si Karylle bilang sagot.

"Tama na yang drama!! Chaka ka na niyan sige ka! Basta always remember na nandito lang ako kahit anong mangyari." Ginawaran naman niya ng sinserong ngiti ang kanyang kaibigan.





Lumipas ang ilang mga linggo, nagbabantay padin sila sa mga galaw ni Sixto. Iba din ang mga tingin nito kay Karylle, kaya mas lalo syang nahalata nila Anne. Nag kakasama din naman na si Vice at Karylle, dahil nga gustong matuto pa ni K maggitara, twice a week silang nag aaral sa may garden. Nakagawian naman nilang laging libre ang kapalit nito , pero minsan din kapag hindi na fishball, Si Vice na ang nagbabayad.

Kasalukuyan naman silang nag aaral ng gitara ngayon sa lugar kung saan sila unang nagbati. Nakasanayan na din nilang tumambay dito kapag tutugtog silang gitara, mag-aaral o mag-isip isip. Ito ang puntahan nila kapag gusto nilang malayo sa iba.

"Alam mo, feeling ko talaga si Sixto nagtetext sakin eh" sabi ni Karylle habang nakatingin sa mga puno.

"Paano m-"

"Pero parang hindi rin. Kasi isipin mo yun? 'J' daw. Eh ang layo ng 'J' sa 'S'. Ano sa tingin mo?" walang prenong tanong nito sa binata.

"Sa ting--"

"Teka, hindi pa ko tapos." pagtigil ni Karylle kay Vice kaya napairap na lang ito. "Kung si Sixto man yun o hindi, Bakit hindi pa niya ko harapin? Bakit kailangan niya pang magpaka-mysterious at magtago?" tanong muli ni Karylle ngunit hindi siya nito pinansin at tutok na tumutugtog ng gitara.

"Huy! Tinatanong kita!"

"Ano!?" may halong irita na sabi ni Vice.

"Bakit ang init ng ulo mo? Tinatanong lang naman kita!"

"Eh paanong hindi iinit yung ulo ko kung tanong ka ng tanong eh hindi mo naman ako pinapasalita? Ikaw, nakakaselos na ha!" Biglang sabi ni Vice, sabay baba ng gitara.

"Nag-Nagseselos ka?" Natatawang sagot ni K pero deep inside may kilig syang naramdaman.

Nabigla naman si Vice dahil nadulas siya.

Baliktanaw (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon