Chapter four.

1K 63 9
                                    



Panibagong araw na naman sa PAC U (Philippine ACademic University) at ngayong araw na ito magsisimula na ang paghahanda sa nalalapit na Annual Science Week sa paaralan.

9AM pa lang ay pinagtipon-tipon na lahat ng estudyante sa High School, sa isang malaking kwarto na dinesenyo talaga para sa general meetings na kinakailangan daluhan ng lahat.


Ang MASA Hall.

Nagsimula na ang orientation para sa nalalapit na school event, kung saan inilahad ng mga guro ang mga activities na mangyayari. Kasama na dito ang pagsasama sama ng mga batches, upang mabigyan ng pagkakataon na makasalamuha nila ang isa't isa. Dahil isa sa objective ng event na ito ang pagkakaisa ng lahat ng estudyante sa buong University. Ihahati ang mga students sa ilang teams. Hinihintay na lamang nila ang listahan kung anong team sila kabilang.

Kasalukuyan naman nag uusap si Alex, at Angelica tungkol sa magiging group teams.

"Ano ba yan! Ang tagal naman nilang i-post yung listahan! Ang sabi, 10 minutes lang tapos babalik na, halos 30 Minutes na tayong naghihintay!" inis na sabi ni Alex.

"Buti nga ikaw, 30 minutes lang. Ako, buong buhay akong maghihintay kung babalik pa siya." nakangiting malungkot na tugon ni Angge.

*maghihintay na lamang ba ang puso kong nangangamba---

"Ang dami mong alam!" Inis na sabi ni Alex.

"Isa na lang ang hindi ko alam. Yun ay kung mahal pa ba niya ko!" mangiyak ngiyak na sagot nito.

*mahaaal... hanggang kailan maghihintay ang puso kong nangungulila saiyo---


Hindi nagtagal ay pinaskil na ang listahan ng mga magiging Teams para sa nalalapit na activity. Mabuti na lang ay maraming kopya ang nakapaskil sa iba't ibang parte ng school upang hindi magkagulo gulo sa pagtingin ang mga estudyante. May nakadikit naman na mga listahan malapit sa pintuan ng isang grade 9 class kaya nagsipuntahan na dito ang iba.

Since magkatapat lang ang classrooms ng grade 9 at 10 ay naki tingin na din sila sa listahan.

"Ayun. White Team ako! Kasama ko si Juggy! Yes!!!" masayang sabi ni Teds.

"Ako Pink Team!! pak! perpek!" Sabi ni Buern.

"Bakit di ko mahanap pangalan ko? Sabagay. Hindi ko na nga rin kilala sarili ko simula nung nag break kami" Hugot ni Ange.

*anong nangyari saating dalawaaaa---

"Tigilan mo nga yang kadramahan mo! Purple team ka! Magkasama tayo! Tse!" inis na sabi ni Alex.

"Oh Vice, ikaw? Anong team ka?" tanong ni Teds.

"Global Port yan!" singit ni Buern. "Ay cheret lang. iba pala yun. Sharreh!" sabay peace sign kay Vice.

"Hindi ko nga mahanap eh! teka baka sa ibang color ako!" hinanap ulit niya ang kanyang pangalan sa kabilang listahan.




----


Sa kabilang banda, napansin ng grupo ni Karylle na nakapaskil na ang listahan sa labas ng room nila kaya agad nila itong tiningnan.

"I found it! Red Team ako! Kayo guys?" Sabi ni Anne.

"White!" sigaw ni Juggy.

"Green ako!" Sabi ni Billy.

"Sakto green minded ka pa naman! HAHAHAHAHA" asar na tawa ni Vhong.

Baliktanaw (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon