Jeskeee Karel Isip agad ng dahilan. Isip! Isip! Isip!!
"Ano nga ulit yung sinabi mo? Yung... Ano ba yun?" mapanlokong tanong ni Vice habang nakangiti.
"Ahhh. Yu-yung kanina? Ano uhm... Eh Wala! Wala lang yun! Nagpa-practice lang ako kasi... may skit kasi na kailangang gawin sa room. Oo yun nga!" Pangungumbinsi ni Karylle.
"Ay! Weh? Anong subject?" Sabat naman ni Anne kaya sinamaan siya ng tingin ni Karylle na tila nagsasabing 'Sumakay ka na lang, humanda ka sakin mamaya!'.
"Ay meron nga pala!" sabay peace sign nito.
Natawa na lamang ng bahagya ang binata sa kanyang mga naririnig. Ngunit napalitan din ito agad ng seryosong mukha at nakatitig sa mata ng dalaga. Nagulat na lamang si Karylle ng hilahin ito patungo sa open field ng paaralan. Hawak hawak nito ang kamay ni Karylle ng mahigpit kaya hindi na makawala ang dalaga.
"Uy teka lang! Saan tayo pupunta? Huuuy!" Tarantang tanong ni K ngunit hindi ito pinapansin ni Vice. Patuloy lang ang paghila nito hanggang sa marating na nila ang 'special place' na madalas na tambayan nilang dalawa. Lugar kung saan sila unang nagbati.
"Anong ginagawa natin dito? Tara na baka mahuli pa tayo sa klase!" Akmang aalis na si Karylle ngunit napigilan agad ito ni Vice at hinila sa braso pabalik sa harap niya.
"Sinabi nang mag-uusap. Ang tigas naman ng ulo eh."
"Anong ako? Ikaw nagdala sakin dito. 'Pag ako nahuli sa klase humanda ka sakin." Wika ng dalaga.
"May oras pa okay? Kung hayaan mo kaya akong kausapin ka baka sakaling tapos na tayo."
"Wala pa ngang tayo tapos na agad." Bulong na salita ng dalaga.
"Ano na namang pinagsasabi mo diyan?" Tanong ni Vice kay Karylle ngunit nanatili lamang itong tahimik at minabuting hindi sagutin ang binata.
"Tumingin ka nga sakin." Maawtoridad na utos ni Vice pero hindi sinusunod ng dalaga.
"Isa"
"Dalawa" Unti unti ng umiinit ang ulo niya at patuloy na pagbibilang ni Vice ngunit tila hangin ang kanyang kinakausap.
"PWEDE BA? NAGMUMUKHA NA KONG TANGA DITO OH! KAUSAPIN MO NA NAMAN AKO. HINDI YUNG TUTUNGANGA KA LANG DIYAN!" Hindi na napigilan kaya't napasigaw na ang binata. Hindi nagtagal ay tiningnan naman siya ni Karylle direkta sa mata na siyang nagpakaba sa kanya.
"Sino nagyaya? Sino nanghila? Sino nagpumilit? Ano ba ang hindi mo maintindihan sa ayaw kong makipagusap!"
"Bakit nga!? Sabihin mo sakin, K! Ilang araw mo na kong hindi kinikibo! Akala mo ba hindi ko napapansin yung paglalayo mo sakin? Bakit? May nagawa ba ko? Sabihin mo na sakin kasi gulong gulo na ko." Pagmamakaawa ng binata.
"Hindi mo lang ako maiintindihan."
"Pwes sabihin mo sakin! iintindihin ko, Karylle!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Vice na nakatingin sa mga mata ng dalaga.
"Ayokong ng makagulo pa sa sitwasyon niya. Sa sitwasyon niyo"
"Niya? Teka. S-sinong niya?" Halata ang pagtataka sa mukha ng binata. Napabuntong hininga naman si Karylle dahil hindi niya masabi sabi ang totoong dahilan.
"Mas mabuti sigurong wag muna tayo mag-usap, Vice." Pilit na ngiti naman ang ibinigay ni Karylle kasabay ng pagtalikod at pag-alis pabalik sa loob ng paaralan. Naiwan namang nagtataka ang binata sa kanyang mga narinig mula sa dalaga.
BINABASA MO ANG
Baliktanaw (ViceRylle)
FanfictionDalawang estudyante. Iisa ang school, iisa lang din ba ang nararamdaman ng puso? Parehas ang hilig, parehas ba nilang hilig ang isa' isa? Lahat ba ay umuuwi sa pag iibigan? O isa lang itong parte dahil hindi pa ito ang dulo?