1 week after
Pagkatapos ng nangyari noong gabi na iyon, ay bumalik sa normal ang pakikitungo ni Karylle kay Vice. Nag-uusap na ulit sila at unti-unting bumabalik ang kulitan nilang dalawa, na labis namang ikinatuwa ni Vice.
"Hi K!!!" Masiglang bati ni Vice kay Karylle na kasalukuyang busy sa mga papel na kanyang inaayos kaya hindi niya ito agad napansin.
"Bingi ba to? MAL!!!" Ulit na tawag nito kaya inis siyang hinarap ni K.
"ANO??!!" Sigaw nito.
"Eh 'bat ang init ng ulo mo? :(" Parang batang nagtatampo na sabi ni Vice bago yumuko.
Bigla namang itong napangiti kaya't sinakyan niya ang trip ng binata.
"Eh bakit ka nagpapa-cute?!" Masungit na sabi ni K pero deep inside ay tumatawa ito.
"Eh cute naman talaga ako eh!" Pababy talk na sabi ni Vice kaya hindi na kinaya ni K at tumawa na lang din. Slightly namang tumawa si Vice dahil napatawa niya si K.
"Ayaan! Mas maganda ka pag masaya ka!" Vice said and smiled.
"Tigilan mo ko sa ngiting yan!" Sigaw ni k sa kanyang isip.
"So bakit nga mainit ulo mo?"
"Ahh sorry kasi medyo busy lang. Stressed, ganun." Sabi ni K habang bumalik sa inaayos na mga papel.
"Ahhhh. Buti na lang dumating ako! Ako talaga ang sunshine mo!" Sabay pogi pose nito na lalong nagpangiti kay K.
"Ewan ko sa'yo! Umuwi ka na nga!" Slightly na tinulak ni K si Vice dahil sa sinabi nito.
"Tara sabay na tayo umuwi!" Pag-aya ni Vice.
"May meeting pa kami sa student council eh. Mauna ka na lang." Bakas sa tono nito ang pagod ngunit may kailangan parin itong gawin.
"Akala ko ba every Monday and Thursday lang meeting niyo? Tuesday pa lang ah?" Pagtataka ni Vice.
"Eh nagsisimula na kami maghanda for School Fair. Alam mo naman, sa amin yung project na yun. Kaya everyday na kami except Friday." Sabi ni Karylle habang inaayos ngayon ang bag niya.
Napansin naman niyang tumahimik si Vice at nagbago ang mood.
"Huy! Anyare sayo? Ok ka lang?"
"Ibig sabihin hindi na kita makakasama tuwing uwian?" Malungkot na tanong ni Vice.
"Ahh kaya pala." Sa isip ni K.
"Ang arte nito! Hindi rin naman tayo araw araw nagkikita eh!"
"Eh kaya nga gusto ko nang araw-arawin." Napatigil naman si K sa ginagawa upang tingnan si Vice.
"Ano ba ibig mong sabihin?! Vice naman eh!" sigaw muli sa kanyang isip.
"Uhm. B-bakit?"
"Wala. Gusto lang kitang nakikita." Nakangiting pag-amin nito sa dalaga na ikinagulat naman ng huli.
"Alam mo umuwi ka na! Baka gabihin ka pa sa daan." yun na lamang ang nasabi niya habang nagsimula nang maglakad patungong meeting nila.
BINABASA MO ANG
Baliktanaw (ViceRylle)
FanfictionDalawang estudyante. Iisa ang school, iisa lang din ba ang nararamdaman ng puso? Parehas ang hilig, parehas ba nilang hilig ang isa' isa? Lahat ba ay umuuwi sa pag iibigan? O isa lang itong parte dahil hindi pa ito ang dulo?