Chapter eight.

1K 36 12
                                    

Vice's Pov

Nasa bahay lang kami ni Bea ngayon, namiss ko talaga 'tong babaitang to! Lumipat kasi siya sa public last year, may financial problem daw. Akala ko nga di na sya mag-aaral this year eh, yun pala babalik na sa school na pinag aaralan ko. Buti naman!! Para kahit papaano, nababaling na pansin ko, di yung puro kay Karylle lang hehe. Baka mainlove ako don eh! Jusko po, nga nga ako dun.

"Bea!!! Oy! Burahin mo nga yooon!!!!"

"Ayoko ngaaa bwahahahahahahahaha ang pogi mo kaya don!"

"Burahin mo yon, ibblock kita!!!"

"Okay lang makikita naman ng friends mo yun HAHAHAHA"

Agad namang binatukan ni Vice si Bea, at pilit na inaagaw ang phone nito. Pinicture-an kasi niya ito habang natutulog na nakanganga. Naisip nyang asarin ang kaibigan dahil nga namiss nya ang binata.

"I-like mo nalang kasi" mapanlokong pilit ng dalaga.

"Pakyu, bahala ka nga dyan!" Pasuko nyang sagot at saka nagtalukbong ng kumot.

"Putcha, hanggang ngayon ba naman pikon ka padin
bwahahahahha wala bang improvement sayo Viceral?!"

"Meron, yung kagwapuhan ko! Tse!"

"San banda? Itulog mo nalang ulit yan ha."

"Buburahin mo o hahalikan kita?" seryosong pananakot ni vice at hinarap ang kaibigan.

"Wag ako. Nagamit mo na yan dati. tabe nga!"

"ahhh hindi ka talaga papaawat ha!" Mas nilalapit naman niya ang kanyang mukha kay Bea kaya hindi mapigilan na matulala ang dalaga.

"Ngayon hindi ka makapagsalita. Wala ka pala eh"

"Hayaan mo na kasi! Ang dami naman ng likes eh. Picture na lang tayo ng matino dali!" Upang maiwasan ang pagtatalo ay sumang ayon na lamang si Vice at nakipag-picture na din ito. Tila magkasintahan naman ang dalawa habang kumukuha ng litrato dahil sa sobrang sweet nila sa isa't isa. Nagyayakapan na may kasamang harutan na minsan may kasama pang mapanlokong halik sa pisngi.

"Ayaaan! Ang ganda ko dito oh! Ito na lang i-post mo!" sabi ni Bea.

"Ang galeeng! So ikaw lang maayos dito? Ang bait mo talagang kaibigan 'no?" sarkastikong balik ni Vice.

"Kahit ano naman itsura mo gwapo ka parin eh." bulong ng dalaga.

"Anong sabi mo?"

"Wala. Akin na nga! Ako na magpopost sa Account mo!" pinost naman niya ang picture nilang dalawa na nakayakap sa leeg ni Bea si Vice.


Sa kabilang banda kasabay naman ng pagpost ni Bea, ang pag online naman ni Karylle dahil bagot na bagot na siya kaya saktong ito agad ang bumunggad sa kanya.

"@jm_viceral: it's official!!!....."

Mas nagulat naman siya sa caption na nakalagay dito kaya inexit niya agad ito. Hindi naman niya namalayan na may luha na pala sa kanyang mga mata.



"Dati, lagi tayong mag-kasama. Ngayon siya na kasama mo. Bakit ganun, Bea?"












Kinabukasan sa eskwela, hinahanap ng mga mata nya si Karylle, ngunit hindi nya ito makita, inakala nyang absent ito pero ang sabi ni Billy, pumasok daw. Ngayon kasi yung sinabing araw ni Karylle para mag-aral sila ng gitara. Sa di malamang dahilan, mukhang di nanaman sisipot ang dalaga.

Sa kabilang banda naman, nagtatago si Karylle dahil ayaw nyang magpakita kay Vice. Wala kasi sya sa mood mag aral ngayon, wala na talaga sya sa mood mag gitara. Kaya nung may kumakausap sa binata, nagmadali syang tumakbo palayo kay Vice. Hindi naman sya napansin kaya dumeretso uwi na sya.

Baliktanaw (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon