Chapter 3

68 2 2
                                    

January 19, 2013 - Saturday

Irl's POV

Tanungin nyo ko kung nasaan ako ngayon, bilis!

Nakasakay ako sa kotse ni Kuya Sweatshirt.

Paano? Hahaha! Magaling ata ako.

*flashback*

"Uy! Wait lang naman! Hintayin mo ko!" sigaw ko kay Kuya Sweatshirt.

Lumingon sya sakin na nakakunot pa rin ang noo.

"Ano?" he hissed.

"Ahm, ano. Ah, eh. Hehe..."

"What?! Sinasayang mo ang oras ko." sabi nya sa nanggigigil na boses.

"Hindi ka ba natatakot sakin? You know, alam mo na, ano, ahm, patay na ko?"

Nag-roll eyes sya.

Teka, bakla ba to? Kaya siguro ang init ng dugo sakin, insecure ata sa beauty ko.

"Woman! Iniinis mo talaga ako noh?! Kung iyan lang ang itatanong mo-" di ko sya pinatapos magsalita.

"Actually hindi! Gusto kong humingi ng favor."

"God! Patay ka na nanghihingi ka pa ng pabor?" naiinip nyang sabi.

"Yeah. Please." binigyan ko sya ng puppy eyes chenes na yun.

Eew! Nakakasuka siguro itsura ko. But what can I do? Desperada na here!!

"Okay, okay. Wag mo lang uulitin yang ginagawa mo sa mata mo. Kinikilabutan ako. Ano bang favor yan?"

"Ahm, pwede bang sumama sayo until sunduin ako ni Lord?"

Aba, syempre kung hindi pa ko susunduin ni Lord, dapat may gawin man lang ako para naman hindi ako mabulok sa isang tabi.

"Ha?!" napasigaw na sya dahil sa sinabi ko.

"Please. Until kunin lang ako ni Lord. Walang ibang nakakakita sakin at wala akong nakakausap na iba kundi ikaw lang. Diba ganun ka din naman? Mafu-frustrate ka pag walang kang kausap at wala kang ginagawa." mahabang paliwanag ko sa kanya.

Nakita ko naman na medyo napag-isip ko sya. For a moment there, akala ko papayag na sya pero...

"Nope. Ayoko." sabi nya the. naglakad na ulit.

At dahil may kinakausap syang nurse, hindi ko sya maistorbo at hindi ko rin naman binigyan ng pansin kung ano man yung pinag-uusapan nila. Busy kasi ako sa pag-iisip kung pano ko sya mapapapayag na isama ako.

After nyang kausapin yung nurse, lumakad na ulit sya at sinundan ko ulit sya.

Every other time, sasabihan ko sya ng, "Please, isama mo na ko."

Nahahalata kong naiinis na sya pero hindi ako titigil hangga't hindi ko sya napapapayag.

Namalayan ko na lang na nasa parking lot na pala kami at huminto sya sa tapat ng isang sasakyan.

"Psh. Fine! Just shut the hell up! Naririndi na ko." sabi nya.

"Yessss!!!!" ganito siguro feeling ng boys kapag sinagot na sila ng mga nililigawan nila. Alam na. Haha!

"I said shut up. Pero wag kang makulit at madaldal kapag nasa public place tayo. Nagmumukha akong tanga eh." sabi nya.

Feeling ko mukha akong tanga na nakatayo dun malapit sa sasakyan nya at nakangiti ng sobrang lapad pero I don't care.

Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon