Chapter 6

47 3 0
                                    

January 21, 2013 - Monday

Irl's POV

Wooow!

Graveey ito.. Ewan ko na lang kapag hindi pa masurprise ng bongga si Alice.

After ko kasing pumasok kagabi, ang daming ka-telebabad ni Ash sa phone nya. Akala ko nga nakikipag-chismisan lang eh. Yun pala, tinatawagan nya lahat ng idadamay nya sa surprise nya para kay Alice sa anniversary nila. Grabe, sya na talaga.

Tapos, paikot-ikot sya sa buong bahay kagabi. Ewan ko dyan, lumabas pa nga para mamili ng kung anu-anong ka-echosan eh. Biruin mo, 9 p.m. na nun pero lumabas pa rin sya. Si Alice na talaga. Then tingin sya ng tingin sa computer at magsusulat tapos pupunta sa kusina. Mga 1 a.m. na nga sya nakatulog eh. Ako naman, dahil nga sa hindi ako natutulog, basa basa lang ng mga books na nasa kwarto niya. And dahil sa super walang magawa, natapos ko

yung book one ng The Mortal Instruments.

So balik na tayo sa mga kaganapan ngayon. Gumising si Ash ng 4:00 a.m. Ang tyaga nga eh, and ngayon ay 5:57 a.m. na at eto ako, nasa kusina at pinapanood kung paano magpaka-busy si Ash. Nakatayo lang ako malapit sa ref. May something kasi siyang niluluto eh. Grabe talaga, ang swerte ni Alice kay Ash.

Ano naman kayang inihanda ni Alice para kay Ash? Hmmm. Nae-excite tuloy ako. Never pa kasi akong nagka-bf pati na ang mga kaibigan ko, so hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng mga babae para sa mga bf nila tuwing may mga ganitong okasyon.

"Wow! Ang daming pagkain ha." manghang sabi ni Ate Cassie habang umuupo sa isang chair sa may dining table.

Kukuha na sana sya ng isang piraso ng cupcake ng biglang tapikin ni Ash yung kamay nya paalis.

"Ouch naman. Parang isa lang eh."

"Magbake ka ng sayo."

"Tss. Para namang mauubos yan lahat ni Alice. Hmp. Sige na, isa lang. Please? Pretty please? Hmmm." pagsusumamo ni Ate Cassie while batting her eye lashes. Ang cute nya.

"Tss. Isa lang. And don't do that again. Mukha kang butete." pffft- ahahaha! Nagpout tuloy si Ate Cassie.

"Cute naman sya ha! Hahahaha!" sigaw ko kay Ash.

Sinamaan lang nya ko ng tingin na parang sinasabing 'manahimik ka' kaya napa-sign lang ako na 'my mouth's zipped'. Hay, buhay.

"Whatever. Ang sarap mo talagang mag-bake" comment ni Ate Cassie. Natatakam tuloy ako sa cupcake.

"Hindi ka na ulit makakakuha kahit anong pang-uuto gawin mo." sabi ni Ash habang pinagpapatuloy yung ginagawa nya.

"Hmp." yan na lang ang huling sinabi ni Ate Cassie then umakyat ulit sya. Siguro para maligo.

"Do you think magugustuhan to ni Alice?" tanong nya na parang kinakabahan pa.

Tumingin sya sakin then I smiled. Tumango na lang ako.

Tell me, sinong tanga ang hindi magugustuhan na pinaghandaan ng bonggang bongga ng kanyang gwapong gwapo at hot na hot na boyfriend ang kanilang anniversary?

"Thanks." sabi niya and for the first time I saw him smile a real smile, for me....

*lub* *dub* *lub* *dub*

What was that?

Patay na ko diba?

Napahawak ako sa dibdib ko na katapat ng puso ko.

Why can I feel it beating?

******

One word to describe RU, mapula.

Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon