Chapter 10

35 1 0
                                    

January 23, 2013 - Wednesday

Ash's POV

Nagising ako na parang may pumupukpok sa ulo ko ng paulit-ulit.

Shit.

Hindi lang ulo ko ang masakit dahil sa letseng hangover na yan. Pati likod ko.

Sa couch nga pala ako natulog.

Kasabay ng pag-upo ko ng maayos sa couch ay ang pagbukas ng pinto.

Ghost.

Tumingin ako sa pinto at nakita ang Mama ko na may dalang breakfast. Naglakad sya palapit sakin. Akala ko sya.

Hindi sya marunong magbukas ng pinto.

Shit! Oo nga pala.

Nasan kaya sya? May matutuluyan na kaya sya? Pano kapag nakasara lahat ng pinto sa lugar na pupuntahan nya? Edi hindi sya makakapasok at nasa labas sya ng kalsada buong gabi?!

Shit naman. May pagka-tanga pa naman yun minsan. Pero minsan lang naman yun kaya lang ang problema, 'pano kung ngayon pa gumana yung katangahan nya?

Hayst!!! Sumasakit lalo ang ulo ko sa kanya! Bakit ba sya ang iniisip ko?

"Kailangan kong hanapin si Ghost. Kailangan bumalik sya sakin."

Tss. Sinabi ko ba talaga yun kagabi? Baka naman lasing pa ko nun.

Hayst! Bahala na. Saka sya lang naman ang nagpumilit na sumama sakin in the first place, bakit kailangan ko pa syang maisip at makonsensya? Tsss. Mababaliw na ata ako.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?" sabi ni Mama at umupo sa tabi ko.

Feeling ko, umaalog ang mundo dahil gumalaw yung couch sa pag-upo ni Mama.

Napansin nya siguro na masakit ang ulo ko kaya inabot nya sakin yung aspirin at tubig. Pagkatapos kong inumin yun, inabot nya sakin yung pagkain.

Tumingin ako sa orasan, 9:18 a.m. na. Bakit di pa sya umaalis?

"I've decided na dito na muna ako sa bahay ngayong araw. Medyo nagiging busy na kasi ako this past few days at hindi kita napagtutuunan ng sapat na atensyon and-" hindi ko na sya pinatapos sa kung anuman yung sasabihin nya dahil niyakap ko sya agad.

I didn't know how it was even possible because I still have the food with me, but what the heck?! I feel like hugging my mom right now. Gusto ko syang yakapin hanggang sa maging ayos na ang lahat. Pero hindi na siguro kailangan pang hintayin yun kasi tuwing yakap ko sya, pakiramdam ko, okay na ang lahat.

Hindi ko namalayan na umiiyak na naman ako. Pero ngayon, hindi ko na alam ang dahilan. Hindi ko alam kung si Alice pa ba, o dahil yakap ako ng Mama ko, o di naman kaya ay yung isang dahilan na nasa isang sulok ng utak ko pero ayaw kong i-entertain. Hindi kasi ako sure.

"Sssshhh." sabi nya habang hinahagod ang likod ko.

"Two down." sabi ko ng nakangisi kahit hindi nya nakikita.

Bumuntong-hininga sya.

"I'm sure makikita mo rin ang tamang babae para sayo. But for now, bakit di mo muna ayusin ang sarili mo so she won't overlook you?" natawa ako dahil sa sinabi ni Mama. She just know the perfect words to say at times like this.

Siguro kung kinausap ko agad sya nung umpisa pa lang hindi mangyayari lahat ng 'to. Hindi na sya aalis pa.

"Ma naman. Sa gwapo kong 'to hindi pa ko dumadaan, na-feel na nya agad ang presence ko." sabi ko at kumalas na sa yakap nya saka pinakitaan sya ng 'famous smile' ko.

Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon