Chapter 11

35 1 0
                                    

January 24, 2013 - Thursday

Irl's POV

Kyaaah!!!!

Peste!!! Kinikilig talaga ko!!!!

"Mukha kang anghel."

"Mukha kang anghel."

"Mukha kang anghel."

Aaaarrrggghhh!!! Shet! Di ko na kaya!!! Gusto ko nang isigaw to!!!!

Grabe Ash!!! Wag ka kasing magsasabi ng kung anu-ano. Kinikilig tuloy ako kahit hindi dapat.

Una sa lahat, kaka-break nyo lang ng ex mo. Pangalawa, patay na ko.

Ayst!

Pero teka ha. Makapag-isip ako kala mong may mabubuong pag-ibig samin eh. Haha!

Pero kainis!! Kinikilig talaga ko. Ni hindi ko na nga maalala yung mga sinabi nya saking masasakit na salita noon. OhMyGieee! Binawi nya talaga!!! Corrupted na pati memory ko!!! Nilagyan nya ng virus nya. Corny ko na shet.

Ito ata ang nagagawa ng kilig sa tao. May psychological explanation kaya 'to? Hahaha!

I therefore conclude baliw na ko at wala na kong sense kausap.

Buti na lang patay na ko, kundi baka kayo mismo pumatay sakin dahil sa kakornihan ko. Haha!

"Patay na babae. Double dead na ngayon dahil sa kakornihan!"

Shet. Pwede ba yan?

Nababaliw na nga ata talaga ako. Help guys. Paslangin natin si Ash. Sya ang may kasalanan ng lahat ng ito. Hoho!

Napatingin ako sa librong binabasa ko.

Shems. Di na ko umusad ng page. Di rin naman ako nakapagbasa dahil hindi ako makapag-concentrate.

Meron ba namang pag nagbasa ka eh ang pagkakaintindi mo dun sa nakasulat eh, 'Mukha kang anghel.'

Kaya sa pangatlong pagkakataon ay sasabihin kong baliw na nga ako. Kayo na bahalang humatol.

5:58 na ng umaga. May pasok kaya sya ngayon? Anong oras kaya? Isasama kaya nya ko?

Pero kung papasok sya, malaki ang possibility na magkita sila ni Alice.

Bakit parang ayokong mangyari yun?

Ah basta! Sana lang ayos na si Ash kahit konti. Sana kaya na nyang kontrolin ang sarili nya kapag nagkita na sila para naman hindi na sya magsisi sa mga magagawa nya ng hindi nag-iisip ng mabuti.

Napatingin ako kay Ash.

Iyan ba ang itsura ng broken hearted? Kung ganun pwedeng ako din maging broken hearted na? Gwapong gwapo sya eh. Baka sakaling maging sobrang ganda rin ako.

"Good Morning."

"SHOCKS!" OhMyGiee! "Ouch!" Shet. Kainis! Nakakahiya ito. Nahulog ako sa couch.

Umupo ako ng maayos.

"Okay ka lang?" pag-angat ko ng mukha ko, mukha agad ni Ash ang bunungad sa akin. 2 inches ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Hindi ko alam kung pa'no ko nalaman yung sukat pero siguro ganun talaga kapag napupunta ka sa ganitong sitwasyon. (Malay nyo naman kung totoo diba? Hehe. Keddeng. Totoo yan. Baliw lang talaga ko ngayon.)

Napatingin na naman ako sa mata nya na dark brown. Mas clear na sya ngayon kesa noon. Bumilis ang tibok ng puso ko.

*dug*

*dug*

*dug*

Ano ba to? Bakit kinakabahan na naman ako. Ang dalas ko naman atang kabahan? Naririnig nya kaya?

Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon