Chapter 5

45 2 0
                                    

January 20, 2013 - Sunday

Irl's POV

Nang makapasok kami ni Ash sa loob ng bahay nila, nagulat ako nang makitang may mga nakaupo sa sofa nila sa sala.

Must be his family.

Tumingin sya sakin at sumenyas na sumunod.

So ayun, nagmukha na naman akong buntot nya.

Buti na lang, hindi ako visible kung hindi baka akalain nila na tinatakasan na si Ash ng kaluluwa. Hahaha!

"Ma." tawag nya sa isang babae na maikli ang buhok pero, wow lang! Maganda pa rin sya.

Tumingin naman sa kanya yung Mama nya at nginitian sya habang ako ay umupo sa stool. Buti walang nakaupo dito.

Pero alam nyo yung feeling na walang pumapansin sayo at gusto mo nang mag-evaporate? Yun ang gusto ko ngayon. OP much ako dito.

Nagmano sya sa Mama nya at pinausad yung taong katabi nito.

"Aba, humanap ka ng sarili mong pwesto! Nauna ko sa tabi ni Mama eh!" sigaw nung girl na pinapa-usad ni Ash. Mahaba and straight din yung buhok nya, and maganda rin sya. I think kapatid ni Ash yung girl.

"Whatever." walang ganang sagot ni Ash at isiniksik ang sarili nya sa pagitan nung Mama nya at nung girl.

Nanlilisik ang mata na tinitigan lang sya nung girl pero nakatingin lang sya sa T.V.

"Oh popcorn. Nag-aaway na naman kayong dalawa." saway ng isa pang babae na kakarating lang at may dalang popcorn. Kamukha nya yung Mommy ni Ash. Maikli din ang buhok nya at maganda sya.

Siguro ate din sya ni Ash.

"Ate!!! Si Ash kasi eh." pagrereklamo nung girl kanina sa kararating lang.

Binigyan lang ni Ash yung girl ng mapang-inis na ngiti.

"Tama na ngayan Cassie at Ash. Oh, Claire, upo ka na. Nakapili na ko ng Movie." saway nung mama nila sa kanila.

Ang cute nilang tingnan. Pero asan ang Papa nila?

"Ma naman eh! A Walk To Remember? The heck?! Gusto mo bang bumaha ng luha dito dahil kay Cassie?" nang-aasar na sabi ni Ash.

"Oy ang kapal mo ha, hindi ko yan iniyakan! At saka pwede ba, call me ate. Mas matanda pa rin ako ng 1 year kesa sayo." sabi ni Cassie.

Ang cute nila. Namimiss ko tuloy si Izzy. Kamusta na kaya yung kapatid ko na yun?

Hay Irl, think of happy things. Happy things! Wag ka nang malungkot...

Anyway, papanuorin ko na lang din yung movie.

********

"Ahahahaha! Iyan pala ang hindi iiyak ha. Hmmm. Shot time." sabi ni Ash at nagulat na lang ako sa flash ng camera ng phone nya.

Aaargggh! Nakakasilaw!!

Medyo malapit pa naman ako kay Ate Cassie at kung visible lang ako, malamang kasama ako sa picture na yun!!

Nakangiti naman si Ash habang pinagmamasdan yung picture ni Ate Cassie sa phone.

"Ilan kayang likes ang makukuha nito? Haha!" nakangiting sabi ni Ash at mabilis syang hinabol ni Ate Cassie. Wala lang, naghabulan lang sila.

Teka, pansin ko lang, nakiki-Ate Cassie na rin ako. Feel na feel eh.

Pero naiinis ako ng konti. Konting konti lang naman, kasi hindi man lang ako tiningnan ni Ash kahit isang beses. Hindi sa gusto kong tingnan nya ko, ang sakin lang, sulyapan nya ko para alam ko kung nakikita pa ba nya ko or hindi na.

Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon