Chapter 9

44 1 0
                                    

January 22, 2013 - Tuesday

Irl's POV

Nakatalikod sya sakin at hindi nya ko nakikita. Nakakagulat naman siguro kung makita nya ko eh nakatalikod nga sya sakin diba? Idagdag mo pa na wala ata syang balak tigilan ang pakikipagtitigan sa shot glass na nasa bar counter.

Tsk. Tsk. Malala na si Ash.

"Pare, ang SAKIT." nagulat ako nung nagsalita sya bigla.

Di ko alam kung bakit pero nagdudulot ng sakit sa dibdib ko yung bawat salita na binibitawan nya.

"ANG SAKIT SAKIT. SOBRANG SAKIT DITO." tinuro nya yung left part ng dibdib nya. "DI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO. SOBRA KO SYANG MINAHAL. SAN BA KO NAGKULANG? BULLSH*T NAMAN OH!!" madiin nyang sabi.

"ANG SAKIT, AT ANG HIRAP!!! GALIT AKO SA KANYA PERO BAKIT GANUN???!!! MAHAL KO PA RIN SYA!!! BAKIT HINDI NA LANG PWEDENG MAWALA TONG NARARAMDAMAN KO SA KANYA???!!! TUTAL WALA NAMAN TALAGANG PAGMAMAHALAN ANG NAGANAP SAMIN KASI UMPISA PA LANG, AKO LANG ANG NAGMAMAHAL!!! PUCHA!! GINAWA NYA KONG TANGA!!!" sabi nya habang umiiyak at nagsalin ulit ng 'hindi ko na alam kung pang-ilan' na beer o kung ano man yun na nakakalasing at inisang lagok yun.

Pinahid nya yung luha nya at tumawa na naman habang nakatingin sa kawalan.

Yung tawang ayaw na ayaw kong marinig mula sa kanya...

"Pucha pre. Nakakabakla tong ginagawa ko. Biruin mo, nandito ulit ako, umiiyak na naman ng dahil sa isang babae." sabi nya sa mahinang boses.

Iyak-tawa na naman ang ginagawa nya katulad nung nasa gym sya at ang pinag-kaiba lang ngayon, may alak nang kasama.

"Alam mo pare, things happen for a reason." sabi ni Kiel na parang sinusukat yung mga salitang dapat nyang bitawan para hindi magwala at sumigaw si Ash.

"Anong reason? Ang masaktan ako?" bitter na tanong ni Ash saka tumawa ulit. Ang sakit sa tenga...

Napa-iling na lang si Kiel at tinapik si Ash sa balikat.

"Yan lang ang mapapayo ko sayo sa ngayon. Pero tandaan mo yung sinabi ko sayo na things happen for a reason at walang coincidence." sabi nya.

May naalala ako sa coincidence...

"Ang epic. Wow! Naniniwala na talaga ako sa coincidence."

Yeah. Nung time na biglang tumugtog yung "If I Die Young" ng The Band Perry nung nakasakay kami sa kotse nya at galing kami sa hospital. Yan yung mismong sinabi ni Ash. Coincidence.

Niyaya na ni Kiel si Trey na may kausap sa phone (hula ko babae), at si Kenneth na naglalaro sa PSP na umalis. Sumunod naman agad sila kay Kiel.

"We'll give you this time to be all alone. AT MY BAR. Utang mo to." sabi ni Kiel at binigyan ng 'knowing look' si Ash then umalis na sila.

That makes me alone here, in a bar, with Ash.

Pinanuod ko na lang sya na lumagok ng alak habang may luhang pumapatak mula sa kanyang mata then tatawa sya at papahirin yun.

Masakit para sakin na panuorin si Ash na nagkakaganito. Sinabi ko bang excited na kong makita kung ano man ang gagawin ni Alice para kay Ash? Well, oo. Na-excite nga ako nung una dahil nga hindi ko alam kung ano man ang regalo or ginagawa ng isang 'girlfriend' para sa kanyang 'boyfriend' in real life. And yes, nagtagumpay nga si Alice kasi, na-shock ako. And swear, kung magkaka-boyfriend man ako, na hindi na posible dahil I'm already dead, hindi 'ganung' regalo ang ibibigay ko sa kanya.

Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon