Chapter 20

20 3 1
                                    

February 1, 2013 - Friday

Irl's POV

Lagi kong iniisip kung bakit nakayanan ni Alice na lokohin si Ash sa kabila ng pagmamahal na ipinakita nito sa kanya.

Ash is a great catch. Who wouldn't want to keep him?

I guess Alice.

But now I think even her is not immuned to that feeling.

"Penny for your thoughts?" Gulat kong tiningnan yung mukhang kabute na lagi na lang sumusulpot sa tuwing nagse-senti ako.

"Bakit ba nauso yan? Bibigyan mo ba talaga ako ng pera para lang sabihin ko sayo ang iniisip ko?"

Itinaas niya ang dalawang kamay niya na para bang sinasabing, 'I surrender'.

"Init naman ng ulo mo. Parang nagtatanong lang eh." Naka-pout na sabi ni Nico.

"Nico, pa'no kapag may nalaman kang isang importanteng bagay tapos may kinalaman yun sa kaibigan mo. Sasabihin mo ba sa kanya?" Kusang lumabas sa bibig ko ang kanina ko pa ini-isip.

"Hmmm. Depende." Sagot niya na nagpakunot ng noo ko.

"Depende?"

"Kung involved ka sa importanteng bagay na 'yan na sinasabi mo, dapat lang na sabihin mo sa kanya. Pero kung hindi naman, mas maganda kung hayaan mong ang mga may kinalaman doon na lang ang magsabi noon." Tinitigan ko lang siya ng matagal.

Si Nico ba talaga 'to?

Kumurap-kurap pa 'ko upang makita kung magbabago ba ang hitsura niya at mapapagtanto ko na namamalikmata lang pala ako pero hindi. Ganun pa rin ang hitsura ng taong tinititigan ko. Siya pa rin si Nico.

"'Wag ka ngang tumingin ng ganyan! Feeling ko tuloy ngayon mo lang na-appreciate ang ka-gwapuhan ko." Naka-ngusong sabi niya.

Tinawanan ko lang siya.

Ayoko namang mag-sinungaling at sabihing pangit siya para lang inisin siya. Gwapo naman kasi talaga siya.

"Nasan pala si Ash?" Biglang tanong ni Nico.

I just shrugged.

After kasi nung nangyari kaninang pag-approach ni Alice sa kanya, hindi ko pa siya nakikita.

Siguro nagpalipas muna ng inis.

Ngayon lang kasi sila ulit nagkita after the break-up. Hindi niya inaasahan at syempre, hindi siya nakapaghanda.

Ni i-bring up nga si Alice ay hindi ko ginagawa dahil "sensitive topic" siya.

Okay. So maybe napag-usapan namin siya ng isang beses. Pero iba yun, good mood si Ash noon.

Iba yung ngayon. Yung kanina. Si Alice na mismo ang lumapit. Tapos sa itsura niya pa kanina, parang si Ash pa tuloy ang may kasalanan. Kung ako man ang nasa posisyon ni Ash, maiinis ako kasi nakipaghiwalay siya sakin tapos ngayon ipinapakita niya na nahihirapan siya. Anong gusto niya? Magkabalikan kami?

At iyon nga ang problema. Hindi alam ni Ash ang totoo. Na hindi siya niloko ni Alice. Na totoong mahal siya nito at may rason kung bakit 'yun nagawa ni Alice.

"Hay."

"Ang lalim naman nun." Medyo nagulat pa 'ko nung nagsalita si Nico.

Nakalimutan kong kasama ko nga pala siya.

Tinawanan lang naman niya ang reaksyon ko.

"Kung bibigyan ka ng isa pang pagkakataon para mabuhay ulit, aning gusto mong gawin?" Nakakunot-noo naman akong tumingin kay Nico.

Napaka-random naman nitong lalaking ito.

Tiningnan niya ko na para bang sinasabing 'sagutin mo na lang' kaya naman sinagot ko na lang.

"Marami."

"Isa lang." Sabi niya at agad naman akong napatingin sa harap ko saka nag-isip.

Bigla na lang pumasok sa isip ko yung aksidenteng nangyari at naramdaman ko na lang na nag-iinit ang sulok ng aking mga mata.

"Driving lessons." Sabi ko ng hindi siya tinitingnan.

Hindi na rin naman siya nagsalita at hinayaan lang ako na lunurin ng mga bagay na nasa isip ko.

Bakit driving lesson? Naisip ko kasi na kung sanay lang akong mag-drive, nagiging magaling at maingat ako dito. Paniguradong walang aksidenteng magaganap. Walang buhay ang mawawala.

********

"Sa tingin mo ba dapat ko siyang pagbigyan sa gusto niya?" Napatingin ako kay Ash dahil sa tanong niya.

Nandito ulit kami sa 'secret place' namin. Ayaw pa kasing umuwi ni Ash. Gusto niya munang mag-isip-isip tungkol sa mga bagay bagay. At itong lugar na ito, ang tanging nakapagbibigay sa kanya ng peace of mind. Itong lugar na ito ang nagtutulak sa kanya para maging mahinahon at gumawa ng mga tamang desisyon.

Bigla namang nag-pop out sa utak ko yung 'kissing scene' namin dito. Okay, isa iyon sa mga desisyon na hindi ko alam kung tama nga ba.

Fudge!

Feeling ko tuloy namumula ako.

"Irl." Tawag-pansin sa akin ni Ash at duon ko naalalang may itinatanong nga pala siya sa akin.

"Siguro dapat mo nang kausapin si Alice para ma-settle niyo na ang dapat niyong i-settle. Hindi naman kasi naging maganda ang huli niyong pag-uusap. Mas maganda pa rin kung lilinawin niyo ang lahat at kung ibibigay niya ang dahilan niya, yung mas maayos na version, kung bakit siya nakipaghiwalay sa'yo." Sabi ko at hindi na pinansin pa ang isang patak ng luha na tumulo mula sa kanang mata ko.

Buti na lang nasa kaliwang side ko siya at nakatingin siya sa harap kaya hindi niya napansin.

There you go Irl. You did a good job. Ginawa mo ang tama. And at the same time, para mo na ring ipinamigay ang lalaking mahal mo.

----------

After 123456789 years nakapag-update din! Natuwa lang ako kahapon kaya eto. 😁

-C

Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon