Chapter 12

32 2 1
                                    

January 25, 2013 - Friday

Irl's POV

OhMyGieee!!!! Ang daming gwapo sa RU.

Hehe. Peace!!! (^o^) V

Yan kasi ang gawain namin sa Blue Academy eh. Ang mag-'pogi hunting'. Lalo na pag walang magawa at pag lunch. Pero ang pinaka-best time para gawin yun is tuwing uwian na. Nagkalat kasi ang mga estudyante ng Blue Academy kaya madaling maka-spot ng gwapo. Haha! Pero wag kayoooo!!!! Solid Ash ako. Haha!

So far, wala pa kong nakikitang mas gwapo kay Ash dito sa RU. Chics eh. La tayong magagawa.

Kung tinatanong nyo naman kung nasaan ako, nag-iikot lang ako sa buong campus ng RU kaya ang dami kong nakakasalubong na gwapo. Haha! Iniwan ko si Ash. Di pa ko ready para sa college lectures. Haha. Ayaw nga niyang pumayag pero wala syang nagawa. Hehe. Panigurado magagalit yun pag nagkita kami.

*flashback*

Nakaupo si Ash sa dulong upuan na katabi ng bintana.

At heto, pahirapan sa pagkumbinsi sa kanya na mag-gagala lang ako sa campus nila. Ayaw nyang pumayag dahil gusto daw nyang samahan ako. Ewan ko ba dun, may pagka-abnormal talaga. Para namang hindi pa nya nalibot ang buong RU eh 2 years na sya dito.

"Hindi ka nga pwedeng umalis ng hindi ako kasama." sabi nya habang may nakapasak na earphones sa tenga nya para daw hindi magtaka yung mga kaklase nya kung bakit sya nagsasalitang mag-isa. Tss. Diskarte eh.

"Ash naman eh. 3 days ka nang absent tapos mag-cucutting ka pa? Aba! Sayang naman yung binabayad ni Tita sa school." sabi ko. Bakit ba hindi nya ko maintindihan? Ugh.

Lalong kumunot ang noo nya.

"Yun naman pala eh. Ayaw mo akong mag-cut so dito ka na lang sa classroom at hintayin mong matapos ang class ko saka tayo mag-ikot."

"Ayoko nga!!!! Last days na nang pagliliwaliw ko dito sa earth tapos mag-aaral pa ko? No way!!!" sabi ko sabay takbo palabas at huminto sa may bintana katapat nya.

Hahabulin pa sana nya 'ko kaso lang may pumasok na isang medyo may edad na babae, na sa tingin ko ay prof nila, kaya wala na syang nagawa at napatingin na lang sakin.

"You're dead." he mouthed.

I just gave him my sweetest smile then shouted. "I'm already dead!"

Saka ako tumakbo palayo sa classroom nila.

*end of flashback*

Hehe. Yan lang naman ang nangyari. Ang boring kaya mag-aral saka feeling ko wala naman akong maiintindihan doon eh. Haha!

Wow! Infairness. Marami din namang chix dito sa RU.

Tulad nga ng sinabi ko, nag-iikot lang ako sa RU at ang dami kong nadadaanang classroom.

Katulad na lang nitong classroom na tinitingnan ko ngayon mula sa bintana. Sa pagkakatanda ko, nasa building ako ng College of Business.

Merong mga estudyante na nakikinig talaga, meron namang nakatingin lang sa professor pero ang utak, nasa ibang bagay. Meron naman bunyagan talaga ang hindi pakikinig katulad nung mga nakatingin sa labas, nagkekwentuhan, pati yung isa na natutulog.

Grabe naman to. Natulog talaga? Hahaha! Sabagay, who am I to judge? Eh nagawa ko na din yan sa isang subject namin.

Yung akin naman, nakaupo pa rin ako at pinipilit makinig at manatiling gising. Napuyat kasi ako noon sa paggawa ng sandamakmak na homeworks and school projects. Cramming eh. Kaya ayun, hindi ko napigilan ang sarili ko at nakatulog ako. Paggising ko shet, nagpa-quiz yung teacher namin. Open notes. Ang kaso lang, nakatulog nga ako so wala akong notes. Okay sana kung seatmate's notes eh.

Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon