Chapter 13

27 2 0
                                    

January 25, 2013 - Friday

Irl's POV

"Really? I can't believe this!!! I thought... I thought..." hindi matuloy-tuloy ni Nico ang sasabihin nya.

Nandito kami sa isang tree house na HIDE OUT daw nilang magkakaibigan. And Nico being his bestfriend, kasama na sya doon. Tagong lugar 'to sa RU kaya hindi madalas puntahan ng mga  estudyante. At kasalukuyang kinekwento ni Ash lahat ng nangyari nung nasa ibang bansa pa si Nico para samahan ang Lola nya na magpagamot. Yung break up nila ni Alice, yung pag-eemote nya pero hindi nya sinama yung part na nag-away kami at hinanap nya ko, yung bagong chix ni Trey na laging ka-text nito, yung naiwang medyas ni Nico sa bahay nila Ash (Seriously, pinag-uusapan talaga nila yan sa harap ko!!!), and now, kakatapos lang nyang sabihin ang tungkol sakin. Which is why, ganyan ang reaksyon nya.

"You thought what?" tanong ni Ash na nag-iba ang tono ng boses. Serious na naman sya. Ayaw ba nyang ako ang topic? Pag ibang bagay naman ang saya nyang magkwento ha!!!

Napatingin ulit sakin si Nico pero si Ash ay nanatiling naka-upo sa may bintana. Nakaharap yung katawan nya samin pero yung mukha nya ay nakatagilid. Ang cool nung pose nya.

"I thought she was... a h-human." sabi ni Nico.

"Was. But that doesn't mean na hindi na ko tao. Tao pa rin naman ako, patay na nga lang." grabehan naman yun. Di naman ako alien. Tss.

"Sorry, sorry. Kaya lang.... Grabe! Di pa rin ako makapaniwala. Can I touch you?" sabi nya at lumapit sakin saka sinubukan hawakan yung pisngi ko at nung tumagos lang yung kamay nya, 'BRRRR.

The creepy feeling is back.

"You are real." sabi nya na para bang manghang mangha.

Bipolar din ba sya? Bakit ang taray nya kanina dun sa girl tapos ngayon naman eh para syang batang inosente na nakita si Santa. Manghang mangha pa.

"And that's creepy. Wag mo kong hahawakan ulit. Nakakakilabot sa pakiramdam." sabi ko at inirapan sya.

Nakakainis kasi. Mas nararamdaman ko tuloy kung ano ako. Hindi naman ganyan si Ash nung nalaman nyang multo ako ha.

Okay Irl, bakit naman nasama sa usapan si Ash? Kailangan talagang i-compare sila? Tsk. Iba na talaga ang takbo ng utak ko. Pro-Ash na.

Napatingin sakin si Ash and nakakunot na naman ang noo nya.

Oh? Problema na naman nito? Ano na namang ginawa ko.

Mukhang may sasabihin sya pero napatingin sya kay Nico at tinikom na lang nya ang bibig nya.

"Sayang ka." Nico said interrupting the silence.

"Bakit naman?"

"Kasi patay ka na. You're beautiful. You know that?" nag-blush naman daw ako. Marami nang nakapagsabi sakin nyan at alam ko namang, 'ehem', maganda ako pero ang manggaling yun sa isang taong gwapo na hindi ko kamag-anak, nakaka-flatter. Hehe.

Inirapan naman ako ni Ash. Problema nun? Akala ko ba tapos na kami sa gay issues? Di kaya may lihim syang pagtingin kay Nico kaya naging ganito kataray na naman sya sakin? Hala!!! Hindi pwede!!! Crush ko sya eh. Hahaha! Keddeng guys.

"Diba may klase ka pa? You'll be late." sabi ni Ash na nakatingin kay Nico.

"Tss. Ayoko ngang pumasok sa klase na yun. May mga babaeng epal eh." sabi nya ng nakasimangot tapos tumingin sya sakin at biglang ngumiti na parang batang binigyan ng candy.

Bipolar nga.

"Sasamahan ko na lang si Irl! Maglilibot kaming dalawa sa RU!!! Ano? Gusto mo ba yun Irl?" tanong nya habang nakangiti pa rin.

Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon