Chapter 2

87 2 0
                                    

January 19, 2013 - Saturday

Irl's POV

*weng* *weng*

Ano yun?

Aray.

Bakit ang sakit ata ng ulo ko?

Dinilat ko ang mata ko at ang unang tumambad sa akin ay ang langit at ang mga stars.

Napakunot noo ako.

Wait, parang may mali.

Dahan dahan akong umupo mula sa pagkakahiga ko.

Napahawak ako sa ulo ko dahil nahihilo ako.

Nilibot ko yung tingin ko sa paligid.

The heck?! Anong ginagawa ko sa kalsada?

Teka, ano bang nangyari?

*flashback*

"Kuya Lucio!!!!"

*sound of car crashing*

*end of flashback*

Medyo nag-stiffen pa yung buong katawan ko ng maalala ko yung nangyari.

Nabangga kami!!!

Tumayo ako agad. Nasaan ba ko?

Nasan sila Inna, Frits, at Kaye? Si Kuya Lucio?

*weng* *weng*

Teka ano ba yun?

Hinanap ko yung pinanggagalingan ng tunog ng siren.

Mga pulis?

Lumakad ako papunta doon sa mga pulis para magtanong.

Bago pa ko makalapit sa isang pulis, nakita ko si Kaye na nakaupo sa isa sa mga hood ng sasakyan.

"Kaye!!!!" tawag ko sa kanya pero hindi nya ata ako narinig.

Tumakbo na ko palapit sa kanya at pagdating ko sa mismong harap nya, napahawak ako sa tuhod ko na medyo hinihingal.

"Mabuti na lang nakita kita." sabi ko sa pagitan ng paghinga.

Nyemas, hiningal ako ha.

Nagtaka ako kung bakit di nya ko pinapansin kaya nung maayos na ang paghinga ko, hinarap ko sya.

Nagulat ako ng makita kong umiiyak sya.

"Kaye-" naputol ang sasabihin ko dahil nung tangkain ko syang hawakan, tumagos lang na parang hangin yung kamay ko.

I froze.

What's wrong with me?!

Tiningnan ko ng nagtataka yung kamay ko na para bang mabibigyan nya ko ng sagot.

Huminga ako ng malalim at sinubukan ulit punasan ang luha ni Kaye pero, tumagos lang ulit ang kamay ko.

"Nakakainis!! Anong problema ng kamay ko?! Kaye!!! Anong nangyayari sa kamay ko?!!" tanong ko kay Kaye at tiningnan sya pero hindi pa rin sya tumitingin sakin.

Unti unti kong naramdaman ang pag-init ng sulok ng mga mata ko.

"Kaye naman eh!!! Kausapin mo naman ako!! Sige ka, hindi na kita papakopyahin ng homeworks sa physics kapag hindi mo pa to tinigilan!!!" sabi ko at nagsimula nang tumulo yung mga luha ko.

"Kaye ano ba!!! Papaslangin na talaga kita!!!" sigaw ko pero hindi pa rin nya ko pinapansin.

Nakakainis! Nakakainis talaga!!!

Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon