Chapter 15

24 1 0
                                    

January 27, 2013 - Sunday

Irl's POV

Hayst.

Bakit ganun? Naguguluhan ako. Ang bilis ng pangyayari. Kahit ako hindi makapaniwala sa nangyari kagabi.

Feeling ko panaginip pa rin ang lahat pero hindi eh.

Tapos ang weird pa nya kaninang umaga.

Dati kasi pagkagising nun, hindi namamansin. Ngayon naman, pagkagising nya, ngumiti agad sakin at binati pa ko.

Nagulat nga ako kaya tinanong ko sya kung may lagnat ba sya. Sabi nya wala at tinanong nya ko kung bakit ko naman daw nasabi kung may sakit sya. At ayun, nung sinabi ko ang dahilan, dun pa lang kumunot ang noo nya at nagalit. Bwisit daw ako. Buti nga daw binati pa nya ko tapos padabog na sinara yung pinto ng banyo. Ang bipolar talaga.

Pero ang totoo nyan, iniiwasan kong mapag-usapan namin yung nangyari kagabi.

Wala namang nangyaring confession kagabi kundi yung 'don't go' chuchu lang pero kiss agad agad? Feeling ko tuloy ang landi ko. Eeeh. Naiinis din ako sa sarili ko!!! Pero wala nang magagawa, nangyari na eh.

Sus! Kunwari ka pa eh gusto mo naman.

Shatap brain. Tsk. Kainis.

Okay, pagkatapos ng mga narealize ko kagabi about sa feelings ko para kay Ash, pinakiramdaman ko kung may magbabago ba. Kung matuturn-off ba ko sa kanya, mandidiri at mapapagtanto kong nagagwapuhan lang talaga ako sa kanya pero hindi eh. I really am inlove with him. At hindi ko alam kung bakit.

Siguro nao-overwhelm lang ako sa attention nya. O di kaya, sya pa lang kasi ang pinakamatagal ko nang nakakasamang lalaki kaya ganito.

Hindi ko din alam. Malalaman ko din to balang araw. Pero hindi ako sigurado kung nasa earth pa ko kapag narealize ko na ang lahat.

Hayst. Why do everything have to be this complicated?

"You're spacing out." Literal na napatalon ako ng may magsalita.

"Letse! Nagulat ako!" sigaw ko at umupo sya sa tabi ko.

Nasa garden ako ng RU. May practice ulit kasi sina Ash ng volleyball kaya eto, hinihintay ko sya. Lagi na daw akong sasama sa kanya.

Ang sabi nya kasi, gusto daw nya kong makita lagi. Para daw sigurado syang nandito pa ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko at kikiligin o ano. Pero opkors! Kinilig ang lola nyo. Kaso after nung panandaliang kilig na yun, sumabat agad si eksaheradang utak. 'Mahal ka din ba?'

At dun ako natauhan. Wala syang sinabing 'I'm inlove with you' kagabi.

Siguro nasanay na lang sya sa presensya ko at sa pagmumukha ko saka syempre, may pinagsamahan na rin naman kami, kaya nya nasabi yung mga sinabi nya kagabi. Wag kasing assuming. Huhuhu. Kakaiyak.

"Tsk. Kanina pa ko nagsasalita hindi ka naman ata nakikinig. Makauwi na nga lang." sabi nya at akmang tatayo.

Hala! Nakalimutan ko tuloy si Nico.

"OMG! Sorry Nico! Madami lang iniisip. Dito ka na ulit sa tabi ko bilis! Kwento ka!" sabi ko.

Minsan talaga kapag malalim ang iniisip ko nagkakaroon ako ng sariling mundo.

"Oh? Tulad ng ano?" Interesadong tanong nya.

"And you all said mga babae ang tsimosa. Turns out kayo ding boys. Or isa ka samin?" nang-aasar na tanong ko sa kanya.

Halos matawa naman ako sa itsura nya na parang inis na inis sa sinabi ko.

"Tangina! Halikan kita dyan eh." bigla nyang sabi kaya natulala ulit ako.

Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon