"Sino ang mapangahas na nilalang na yun?! na nais kumalaban sa atin?Isang kahangalan na nais kalabanin ang ating grupo dahil para lang siyang nakikipagbanggaan sa malalaking pader." si Jack"Sino siya at ano ang itsura niya?"
si Flower na tinutok ang kanyang samurai sa lalaki."I-isa po siyang ba-babae...Na-nakakatakot siya, di sya pangkaraniwan,magaling siya lumaban.Ang kanyang mukha at buo nitong katawan ay puro hiwa at tahi parang sanay na sanay siyang pumatay..."
at kinagulat nilang lahat
isang bala ang tumama sa noo ng lalaki.
Tarantula's pov
Ang una kong misyon ay nakawin ang black diary.
Nakasaad ang dun kung sino ang mga pinuno ng mga mafia at ang transaksyon nila o ilegal nilang negosyo.
Bawat salubong kong mga tao na nakikita ko sa loob ng isang gusali yon ay isang bala ang pinapakawalan ko.
Babae o lalaki man ang makasulubong ko ay wala akong paki at wala akong awa na barilin.
Basta kung sino nandun ay kalaban o kaaway ko.
Hanggan makarating ako sa isang silid na may nagpupulong
Dahil nga silent gun ang gamit ko di nila alam na marami na akong napatay sa baba.
Na habang sila ay abala sa pagpupulong.
Sinuntok ko ang salamin nilang pintuan dahilan para mabasag yun na kinagulat nilang lahat.
"Sorry! nakakaistorbo ba ako!"
Tumalon ako sa long table pagkatapos nagpadulas ako na nakaluhod patungo sa isang matandang lalaki na nakaupo ito sa dulo ng lamesa.
At tumambad sa kanya ang aking harapan.
"Kamusta mayor?"
"Sino ka?"
At nilapit ko ang aking mukha sa kanya.
"Hindi pa ba nakakarating sa inyo ang balita? ang babaeng papatay sa inyo!"
"Matapang ka..."
"Oo at wala akong tinatakutan!"
sabay sapak sa mukha niya
walang magawa ang mga taong nandun na kahit tumawag pa sila ng security ay wala na mga ito dahil napatay ko na.
"para sa inyong kaalaman ang inyong mayor na inyong sinasamba at itong tao ito! ay ang mafia secretary!"
"Pa-paano mo alam?"
"Simple lang..."
Kahit matanda na siya ay nagawa ko siyang hatakin para dalhin sa kanyang opisina at tinutukan ko sya ng baril.
"Ano kailangan mo sakin?papatayin mo ko?!"
"darating din tayo dyan mayor!"
"Pagsisihan mo ang gagawin mo sakin pag pinatay mo ko"
"talaga?!"
Tinutukan ko siya ng baril
"Ano kailangan mo sakin? pera?!"
"Di ko kailangan ng pera ang kailangan ko ang buhay mo!"
at isang bala ang pinatama ko sa isang binti niya
"Nasaan ang black diary?!"
"huh? bakit kailangan mo yun?"
imbis na sumagot nagpaulan ako ng bala sa loob ng opisina niya.
"tignan mo ang aking mga mukha, sa tingin mo ba? nakikipaglaro lang ba ako!"
"sa tingin mo ibibigay ko ? eh kung papatayin mo rin pala ako"
"ganun ba..."
at sa muling pagkakataon ay isang bala uli ang tumama sa kabilang binti niya.
"aarrRggg!!! mapapatay mo ko pero di mo makukuha ang gusto mo."
Author's pov
Dumating ang mga pulis.
"Si mayor hinostage ng isang babae!"
"Bilisan nyo baka mapatay na siya!"
Pagkabukas ng pinto ng opinisina
Kinagulat ng lahat ay tumambad sa kanila, ang kanilang mayor ay naliligo sa sariling dugo ang kanyang katawan at wala na itong ulo.
Tarantula's pov
Kailangan pa pala takutin si mayor dahil kung hindi niya sasabihin na nasaan ang black diary
Ibubuking ko sa kanyang misis na may kabit siya at ngayon hawak ko na ang kailangan ko.
Ang black diary.
Nakasaad dito ang limang mafia lord.
mafia lord rank#5
si Jokerang may-ari ng isang casino na kilala sa japan
at sa kanya ko ibibigay ang aking munting regalo.
Author's pov
STAR NEWS
"Isang babaeng nagligtas sa isang bangkong hinostage"PUTOK HEADLINES
"Isang babae pumatay kay mayor Joaquin vergara"ACTION NEWS
"TARANTULA
Isa ba siyang bayani o kriminal?"SKY REPORT
HEADLINES
"WANTED TARANTULA
DEAD OR ALIVE
AWARD 5 MILLION PESOS"Kasalukayang isang barrio ang nasusunog.
Si Tarantula ang gumawa nito dahil ang barrio ito ay kung saang nakatira ang mga pamilya ng ibang miyembro ng mga mafia.
Wala siyang sinasanto
Walang sinu-sino
Basta kapag may ugnayan ito sa mafia.
"tulong!!!"
isang lalaking gumagapang sa lupa na ang kanyang katawan ay puno ng mga tarantula.
BINABASA MO ANG
TARANTULA #Wattys2016
Actioncode name: TARANTULA The mafia huntress (The bloodly revenge) Istorya ng isang batang babaeng ang tanging hangad nito ay hustisya para sa kanyang pamilya na walang awang pinaslang. Tunghayan ang madugong paghihiganti ni TARANTULA.