Missy's pov
"Anong ibig sabihin nito daddy?"
Kita ng aking dalawang mata si daddy at si Alexia na parang adan at eva sa kama.
Agad akong umalis sa kwarto ni daddy dahil di ko kayang makita ang itsura ng daddy ko at pinsan kong babae na parang mag-asawa sa kanilang ginagawa.
"Missy!"
"Ayoko kayong makita! nakakadiri kayo"
"magpapaliwanag ako"
"not now dad! please! just leave me alone"
At tuluyan ko nang isinara ang pintuan ng kwarto ko.
May relasyon ba sila?
Bakit nila ginagawa yun?
kailan pa at paano kung mabuntis niya si Alexia?
Yan ang mga tanong na gumugulo saking isipan at patuloy parin lumuluha ang aking mga mata.
Author's pov
Kasalukuyang nakasakay si Tarantula sa isang jetski patungo sa malaking barko.
Kinagulat naman ng mga taong nandun na tila umuulan dahil naghagis ito ng mga bomba sa dagat at lalong kinagulat ng lahat na kanilang nasaksihan na may isang babae na tumalon na mula sa dagat Pagkatapos ay nagpaputok ito gamit ang malaking baril dahilan para magsigawan ang mga taong nandun
Abala naman ang nasa loob dahil may nagaganap na malaking subastahan.
Ang nais na makuha ng mga negosyante at mga milyonaryo na ang karamihan ay mga lider ng mafia.
Ang isang ulo ng birhen na ginto ay nagkakahalagang 33 billion pesos na nais makuha ng mga nandun.
Nang may marinig silang nagpuputukan sa labas dahilan para mahinto ang subastahan.
Joker's pov
"Anong nangyayari?! nakawin ang ulo ng birhen!"
Ngunit di agad kami makaalis sa lugar na ito dahil sa kapal ng usok.
Nang aking maanigan na may isang dilag na nakikipagpalitan ng bala sa mga tauhan ko.
Patuloy parin siya na makipagbarilan na tila di takot na harapin ang mga bala na mula sa mga kalaban nito.
Napakahusay niyang makipagbarilan na parang hindi tunay na babae.
Mahaba ang buhok nito, malaking bulas,sa itsura nito na halatang napakabata pa nito at kanyang mga mata ay parang isang manika.
Ngunit halata sa kanyang mukha ang gigil nito sa pagpatay.
Habang minamasdan ko siya na di ko akalain na dalawa na lang kami na natitira
. "Sino ka?"
"Ikaw ba si Joker?"
"Tanong ko ang sagutin mo?!"
"Di mo ako tauhan para sigawan mo! pero sige magpapakilala ako....ako si Tarantula"
"Tarantula?"
"Oo at ako papatay sayo!"
Sinugod nya ko dahilan para sipain nya ko na nagawa ko naman ilagan ito.
Bawat atake nya sakin ay nagagawa kong ilagan.
"Pasensya pumapatol ako sa babae!"
Nagawa ko hawakan sya sa buhok dahilan para ihagis ko sya ngunit mabilis siyang nakatayo para sugurin uli ako.
Nakipagpalitan ako ng suntok at sipa sa kanya.
Magaling naman ako makipaglaban at sanay na ko sa ganito
Ngunit ngayon lang ako nakakwentro ng isang babaeng hindi takot na harapin ang kanyang kamatayan at halata sa kanyang mukha ang kanyang hangarin na tapusin ako.
Nang magawa ko siyang hawakan ay puro sapak ang ibinigay ko sa kanyang mukha.
"Matapang kang babae ka! Wala pang nabubuhay sa mundong ito na tatapos sa akin!Babae ka lang at kaya kitang patayin agad!"
Gigil na gigil ako sa mukha nya dahil kanina pa siyang nakakatama sa akin.
"Papatayin kita!!!"
Tarantula's pov
Nakakaamoy na ko ng dugo.
"Papatayin kitang babae ka"
Mula sa kanyang likuran ay nagawa kong ipitin ang kanyang ulo gamit ang dalawa kong paa dahilan para matumba siya at ako naman ang nakapatong sa kanya.
Sakal namin ang isa't isa na pagulong-gulong kami.
Nang makatayo kami ay nagawa niya kong isandal sa pader at sinakal niya ko uli.
"Matapang ka." gigil niyang sabi
Tinulak ko siya at sa muling pagkakataon naglaban uli kami.
Kahit malaki siyang tao ay nagagawa ko siyang balian ng braso at ng binti.
"Mga tulad mong hayop ay dapat masunog sa impyerno!"
isang sipa
"pinatay nyo ang pamilya ko!"
isang suntok
"Mamatay ka!"
at sa pag-ikot ko ay nagawa ko siyang sipain sa mukha dahilan para mabali ang kanyang leeg at sumuka siya ng sariling dugo
Ace's pov
"Boss,para sayo daw"
Isang box?
tapos na ang pasko para may magregalo sakin?at may note na HAPPY NEW YEAR
Nanlaki ang aking mga mata dahil ang laman nito ay isang pugot na ulo na nagmamay-ari nito ay walang iba kundi si Joker.
BINABASA MO ANG
TARANTULA #Wattys2016
Açãocode name: TARANTULA The mafia huntress (The bloodly revenge) Istorya ng isang batang babaeng ang tanging hangad nito ay hustisya para sa kanyang pamilya na walang awang pinaslang. Tunghayan ang madugong paghihiganti ni TARANTULA.
