El senorito's pov
"Isang malaking barko na sumabog sa labas ng bansa na ayon sa pagsasalaysay ang tinuturo na salarin ay walang iba kundi si Tarantula na pinaghihinalaang din na nagnakaw ng gintong ulo ng birhen na naghahalagang 33 billion pesos...." news reporter.
at pinatay ko na ang TV na saktong dumating naman na si Alexia.
"Ikaw daw pinaghihinalaan na nagnakaw ng gintong ulo ng birhen?"
"naniniwala naman kayo? ito lang masasabi ko, mamatay tao ako pero hindi magnanakaw."
Alam ko naman yun na hindi niya magagawa yun.
Ngayon lang uli kami nakapag-usap na hindi ko na nga alam kung ano na tumatakbo sa utak niya, di ko na rin alam kung ano na ang plano niya.
Grabe yata ang ginawa ko sa kanya naging matigas siya na tila isang bato.
Walang makikita sa kanyang mata na kahit anong emosyon pero ramdam na ramdam ko kahit hindi siya magsalita ang galit sa kanyang puso.
Diamond's pov
Kasalukuyan nandito kami sa pier na kung saan tahimik at wala gaanong tao kaya malaya kaming gawin ang aming transaksyon.
"Nandito na kami!" sabi ni Jack sa kanyang kausap sa cp
Mamaya-maya may dumating na tatlong sasakyan at pumarada ito.
Bumaba roon si Mr. Zu ang chinese na aming customer.
"Dala niyo na ba ang kailangan ko?"
"Wag masyadong hot Mr. Zu mapapasakamay mo rin ang kailangan mo." si Jack at sumenyas ito sa kanyang tauhan
Pinakita naman nito ang laman ng isang brief case na laman ay puro drugs.
"Magaling! Kunin nyo na!" si Mr Zu inutusan din ang kanyang tauhan.
"ops! teka lang ! nasaan ang pinag-usapan natin?"
"Wag ka rin hot Jack! sige..." sumenyas ito sa kanyang tatlong tauhan na may dalang din mga brief case
pinakita din ang mga laman nito.
"20 million pesos! walang labis at walang kulang tulad ng pinag-usapan natin."
Nang palitan na kami, binigay na namin ang kailangan niya at nang mapasakamay na namin ang pera
Nang paulan ng bala ang isa namin tauhan.
Kanyang-kanya nang takbuhan.
Nagpapalitan na ng bala ang aming mga tauhan sa grupo ni mr. Zu
Ganito talaga kami pagkatapos namin makuha ang pera ay papatayin namin ang nagiging customer namin.
Tumango si Flower sa akin na ang ibig sabihin nito ay kailangan ko ng gawin ang aking trabaho bilang lady keeper ng mafia.
si Flower na kulay puti ang buhok nito na tinaguriang assasin ng mafia.
Tumakbo na ako na dala ang pera at sumakay na sa isang kotse.
Flower's pov
Pinatakbo ko na si Diamond para gawin ko naman ang aking trabaho.
Nagpahabol ako sa mga tauhan ni mr Zu
May mga malalaking truck dito kasi ang mga ito ay ineexport sa ibang bansa.
Umakyat ako at nahabol naman nila ako.
Hinarap ko sila
Pinaikutan
Pinapatunog ang dalawang kong kamay na senyales ay handa ng lumaban.
Sipa,tadyak at suntok ang regalo ko sa mga kalaban ko.
Binabali ko ang kanilang mga braso at binti
Bagaman malalaking mama sila na nagagawa kong umagkas sa kanilang likuran dahilan para balian ko ang mga ulo nila.
Tumalon ako pababa na tila isang agila.Sinakal ko ang isang mama gamit ang isa kong kamay at inapakan ko ang dalawa niyang paa.
Na may sumakal sakin gamit ang kanyang braso.
Ngunit nagawa kong ihagis ang lalaki sa aking likuran gamit ang kanan kong kamay.
At ang lalaking sakal ko ay binuhat ko gamit ang dalawa kong kamay pagkatapos ay binagsak ko siya sa aking binti dahilan para balian siya ng buto sa likod.
Kaya kong buhatin na kahit matabang tao o mabibigat na bagay
ito'y walang imposible sa akin.
Na kahit sinong nilalang sa aking harapan ay kaya kong tirisin na parang isang surot.
Sumugod ang isang lalaki sa akin gamit ang kamay ko nagawa ko siyang itulak dahilan para mabasag ang kanyang shade.
Ang kanyang isang pirasong shade ay ginamit kong sandata dahilan na hiwain ko ang leeg ng iba.
At isang lalaking umatake sa akin ay binigyan ko naman ito ng isang sipa dahilan para bumaon sa kanyang panga ang aking takong na matulis.
BINABASA MO ANG
TARANTULA #Wattys2016
Actioncode name: TARANTULA The mafia huntress (The bloodly revenge) Istorya ng isang batang babaeng ang tanging hangad nito ay hustisya para sa kanyang pamilya na walang awang pinaslang. Tunghayan ang madugong paghihiganti ni TARANTULA.