1
"I'm sorry Himeno I really have to go"
I held his hand tight.
"No , please no" i shook my head. "Please Charlie. Please don't leave me" tears won't stop from falling.
Binitawan niya ang mga kamay ko at nagsimulang maglakad palayo. I tried to chase after him pero . .
*booogshhh*
I fell. Jeez nalaglag ako sa kama ko ! *sigh* "damn it! " agad akong tumayo at pinunasan ang luha ko. I went to the comfort room and looked at myself at the mirror.
"I really miss you a lot Charlie" sabay talikod sa salamin at naligo.
Bagong araw nanaman. Araw kung saan ang mapagpanggap na ako ay papasok sa Samson Academy. By the way, ako nga pala si Himeno Samson. Oyea tama kayo, kami ang nagmamay-ari sa school na pinapasukan ko.
"Goooood Morning himeeee!" Sabay yakap sakin.
"Goodmorning Rey .ang aga mo yata. Nasan ang mga kapatid mo?" Ginulo gulo ko ang buhok niya.
"Morning Hime" three handsome guys said in chorus.
Kumbaga sa anime, isa itong reverse harem. Tsk. But wag kayong mag alala. Wala akong makakatuluyan sakanila. Ganun naman lagi pag harem diba? T_T seriously, i prefer love triangle.
"Let's go?" Aya ko sakanila.
Pagdating namin sa school. *ahem ahem* as usual pinagtitingnanan kami ng mga estudyante. Ikaw ba naman may kasamang apat na nag gagwapuhang nilalang diba. Para akong si sanchai ng meteor garden, may kasamang F4. Well, FYI lang ne? Sikat kami dito hindi dahil sa ginagaya namin ang meteor garden. sikat kami dahil . .
"Kyaaaaaa! Ayan na ang heartless band!! " tili ng mga kababaihan.
You heard it right. May banda kami. Hindi siya isang simpleng banda rito banda ron lang. Kahit papano may mga fans din kami. Di kami artista pero sa mga club tuwing gabi doon kami naghahasik ng lagim *evil laugh*
Ipapakilala ko sainyo ang miyembro ng heartless band. Una, si Rey, ang lead guitarist. Isa siyang isip bata na laging nakadikit sakin. May sister complex yata ang isang to. Next is Roy, ang bassist. Strict and nerdy type siya. Para ko siyang kuya. Tuwing may problema ako siya yung laging nandyan para sermonan ako. Nice diba ganyan siya mag comfort. Next ay si Richie, ang drummer at cassanova ng grupo. Siya ang dinadayo ng mga kababaihan sa club, isa rin sa dahilan kung bakit kami sikat. Kahit naturingan siyang cassanova, ako lang ang kaisa isang babaeng nirerespeto niya. Siya naman ang tagapagtanggol ko tuwing sinesermunan ako ni Roy. Pang apat sa mga gwapo ay si Ran, ang pianist ng banda. Siya naman ang nagsspoil sakin. Dahil mayaman din siya, kung ano anong gamit ang binibili niya sakin. Sobrang sweet nitong lalaking to. Lastly, ang heartless princess vocalist ng banda. Sino paba edi ako! Yan ang bansag nila sakin pano, ilang lalaki na ang nagtangkang magpaibig sakin, bagsak naman. Wala na akong pag-asa. Wala na sa akin ang puso ko.
BINABASA MO ANG
My Heart.. Belongs to.. HIM ? (completed)
Teen FictionMy heart is with him now. What should I do? Makaka move-on pa nga ba ako sa kagagahan ko? I mean, he left me.. No hard feelings but I miss him. Dating Heartless Princess, nagbago dahil sakanya, at bumalik sa dati ng dahil din sakanya. Sino ang magba...