Hi! Tagal ko di nag update. Actually tatapusin ko na itong story na ito. Bibilis ang takbo. Maki takbo na rin kayo. HAHA. xD Sa sobrang bilis EPILOGUE na next chapter! HAHAHAHA
Chapter 14: This is ..destined to happen
Lumipas ang panahon at napatunayan kong mahal nga talaga ako ni Cedric. I like him. Pero hanggang doon lang yun. Si Charlie pa rin ang nagmamay ari ng puso ko. Iniligtas niya ako alam ko, nagawa kong pakawalan si Charlie but that doesn’t mean na kaya ko nang magmahal ulit. Yung apat kong alipores? Ayun may kanya kanya nang lovelife. Wag na natin silang isingit dito. Eksena ko to.
“Hime naman! Come on. Let’s just try. I promise! I promise I’ll make you fall in love with me!” sabi niya habang hinahabol ako dahil sa sobrang bilis kong maglakad. Ilang buwan na rin niya akong kinukulit. Binibigyan ng kung ano ano at hinaharana pero wala.
“Ang kulit mo naman eh!” sabay hinto ko at hinarap ko siya.
“Pag pinagbigyan mo ako. Kahit isang linggo lang ohh. Pag wala pa rin talaga, babalik na ako ng States” may biglang kumirot sa puso ko ng sabihin niyang titigilan na niya ako pag wala pa ring nangyari. Ano ba to!
“Oo na!” nanlaki yung mata niya at agad akong niyakap.
“Totoo?!” mas humigpit yung yakap niya.
“Ayaw mo?” tumawa naman siya ng malakas.
“Syempre gusto!”
Mula nang araw na yun, naging masaya ako.. Nagugustuhan ko na ata siya. Or shall I say mahal ko na siya? Pero ang tanga ko.. Hindi ako umamin sakanya.. Dahil hindi pa panahon.. Nalaman kong kailangan siya ng lolo niya sa States. Wala kasing mamamahala ng kumpanya nila doon. Gusto ng lolo niya na ituloy niya ang pag aaral niya doon at diretso nang pamahalaan ang kompanya. Isa lang naman ang pumipigil sakanyang bumalik doon. Ang isang linggong hiningi niya sa akin kung saa’y nagtagumpay siyang mapaibig ako. Pero kailangang magsakripisyo.
Nandito kami ngayon sa Airport.
“Hime.. Magiingat ka lagi..” nabasag yung boses niya. Umiiyak siya.
Please.Don’t make this too hard for me to let you go.
ACT STRONG HIME!
Hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ang kanyang mga luha.
“Shh. Ikaw ang mag iingat. Galingan mo doon. Babalik ka ba para kulitin ako ulit?” pinilit kong tumawa.
Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay hinawakan niya ang mga kamay ko ng mahigpit.
“Hindi ka ba magsisising paalisin ako ngayon?” kitang kita ang pagbuhos ng mga luha mula sa mata niya. Kulang nalang maglupasay siya dito.
May kung anong nag uudyok sa akin na huwag siyang pakawalan. Pigilan mo siya! Hindi maaari.
I WON’T SHED A TEAR.
“No.” matigas kong sagot. Sorry Cedric. You need to go.
Mariin siyang pumikit at sa pagdilat niya ay ang siyang paglapit niya sa akin at hinagkan ako. Matagal at malalim. Punong puno ng pagmamahal. Magsisisi ka. No. Hindi, para sakanya din ito. Niyakap niya ako at saka mabilis na kumalas at tumalikod.
“Mahal na mahal kita Himeno. Magkakasama din tayo. Alam ko mahal mo ako. Nararamdaman ko.”
Agad kong tinakpan ang aking bibig para pigilan ang paglabas ng ingay mula sa biglaan kong pag iyak.
Mas mahal kita Cedric. Mahal na mahal.
Inayos ko ang sarili ko at huminga ng malalim.
“Wag ka nang lilingon Ced. Ma—“ natigilan ako sa sinabi ko dahil muntik mabasag ang boses ko.
“Magiingat ka don!” hindi na sumagot si Cedric at naglakad. Palayo sa akin.
Itinaas niya ang kanang kamay niya at iwinagayway ito.
Paalam Cedric.
Dito na ako nagsimulang humagulgol at tumalikod. Agad na rin akong napatakbo palabas dahil ayokong makita niya ako kung sakaling bumalik man siya. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang marating ko ang isang parte ng airport na kung saan tanaw mo ang paliparan.
Tinignan ko ang orasan. Oras na, aalis na siya. Lilipad na ang eroplanong sinasakyan ni Ced..
Ilang minuto ang lumipas at nakita ko na ngang lumipad ang eroplano. Alam kong doon siya nakasakay dahil alam kong isang eroplano lang ang lilipad ng ganitong oras.
![](https://img.wattpad.com/cover/8690879-288-k708378.jpg)
BINABASA MO ANG
My Heart.. Belongs to.. HIM ? (completed)
Novela JuvenilMy heart is with him now. What should I do? Makaka move-on pa nga ba ako sa kagagahan ko? I mean, he left me.. No hard feelings but I miss him. Dating Heartless Princess, nagbago dahil sakanya, at bumalik sa dati ng dahil din sakanya. Sino ang magba...