Chapter 11 : Let it all out

301 11 4
                                    

11

Nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant.. sino pa nga ba ang kasama ko? Edi si Ran. Siya lang naman ang mahilig manlibre sakin ng bongga. Nganga kayo no? Bakit biglang eto na ang eksena? Ewan ko din. Bigla nalang akong sinundo ni Ran sa bahay eh.

"Ang hinhin mong kumain Himeno." Waaa. Ninanamnam ko ang sarap kaya.
"Tss. Bakit may iba kapa bang lakad? *pouts*"
"Haha. Bilisan mo nalang kumain. May pupuntahan pa tayo."

Sinunod ko naman siya. Hayy ang sarap sarap pa ng kain ko ehh.

Nagulat naman ako kung saan niya ako dinala.. eto nanaman. Ang beach na to.. T_T

(Picture ni Ran sa side >>>>> YIEEE )

Hinawakan niya ang kamay ko.
"Let's go?" Tumango lang ako at lumabas na kami ng kotse.

Naupo kami ngayon sa may ilalim ng puno.. ang ipinagtataka ko lang, ang dami niyang dalang papel.. tapos may mga mini hot air balloons.

"Himeno." Seryoso siyang nakatitig sa akin..
"Ran?" Iniabot niya sakin ngayon ang mga papel at isang ballpen.

[Ran's POV]

Nasa huling sulat na. At ako ang taong naatasan. Hay. Please ako nalang ang mahalin mo Himeno. I can't force her though. Should I let her go too?

"Anong gagawin ko dito?"


"Isulat mo dyan lahat ng gusto mong sabihin kay Charlie. Isama mo na din yung mga magaganda at masasakit niyong alaala. Lalo na yung sa beach na to" nagulat siya sa sinabi ko.


"Sigurado ka? Sana sinabi mo ng maaga para nakapag prepare ako. Ang dami kaya nun" reklamo niya pero kitang kita ang lungkot sa mga mata niya.

"Tama na ang reklamo Himeno. Gawin mo nalang kaya? Dun muna ako sa kotse. Tawagin mo nalang ako pag tapos ka na." Iniwan ko siya doon para kahit maiyak man siya sa isusulat niya e hindi siya maiilang.

Pinagmamasdan ko nalang siya sa malayo.

[Himeno's POV]

Grabe naman. Ang dami ko kayang gustong sabihin kay Charlie.

"Hayy. Umpisahan ko na nga" sulat sulat sulat.

Dear Charlie,

Naks. Formal letter? Ehem. Uhm. *sigh* sa sobrang dami kong gustong sabihin sayo babe hindi ko alam kung saan ako mag sisimula..

Bigla namang tumulo ang luha ko na agad ko namang pinunasan. Ano ba yan di pa nga ako nag uumpisa ee.

Nee Charlie, okay ka lang ba diyan sa heaven? Hmm. Sorry kung hindi kita mabitaw bitawan. Hindi ko alam kung paano. Alam ko kahit nagpapahinga ka na ngayon diyan nahihirapan ka pa rin. Last na to babe, promise bibitawan na talaga kita. Naaalala mo pa ba yung una tayong magkakilala? Haha. Sobrang sungit ko pa nun diba? Heartless Princess nga ee. Pero ikaw ang nagpalambot at kumuha ng puso ko. *sniff* hinding hindi ko makakalimutan ang pinagsamahan natin. Kung paano mo ako napasagot ng "oo" dito sa beach na to.. kung paano mo ako lambingin sa huling sandali tapos nakipag break ka sa akin. Buti nalang nalaman ko agad yung sitwasyon mo. Hindi kita tinantanan non hanggang sa makulitan ka sa akin at pumayag ka rin. Sobrang saya natin. Dito rin sa beach na to ang huling araw na nakalabas ka ng ospital. Pagkatapos nun. Wala ka na. Nagsinungaling ako sayo. Sabi ko kaya ko. Pero ang totoo hindi. Halos mabaliw ako. Alam ko nakita mo yon..

*wooshh* biglang humangin ng malamig.. Charlie? Nandiyan ka ba? Salamat sa pagyakap.. alam ko niyayakap mo ako ngayon.

Tumagal ako ng dalawang taon. Ikaw kasi ee. Binabantayan mo ako. Alam ko kung sinundan kita jan ngayon, hindi mo ako mapapatawad. Pinili kong manatili para sayo. Alam ko namang hihintayin mo ako di ba?

Napahagulgol na ako. Hindi ko na kayang mag sulat.. Charlie *sobs*
Tinupi ko na ang papel. Tumayo at sinenyasan si Ran na puntahan ako. Nilagay niya sa mini hot air balloon yung sulat ko.

Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko. " handa ka na ba?" I smiled and tumango.

Binitawan niya ang kamay ko at hinayaang lumipad sa kalangitan ang sulat ko.. sinenyasan niya ako na waring sinasabi niya na magsalita na ako sa huling pagkakataon.

Huminga ako ng malalim at sumigaw habang umiiyak.

"MAHAL NA MAHAL KITA CHARLIE! SOBRAAAAA! *sobs* HINDING HINDI KITA MAKAKALIMUTAN. SORRY KUNG NGAYON KO LANG GAGAWIN TO." Huminga ako ng malalim.

Tumingala at ngumiti. Hinawakan ko ang dibdib ko.

"Charlie Lim. This princess is officially letting you go!" Pumikit ako at naramdaman ko ang malamig na hangin na nakapalibot sa sakin. Maya maya pa ay nawala na ito.

Napaluhod ako habang yakap yakap ang sarili ko.
"Goodbye Charlie. I love you"
Naramdaman ko namang yakap yakap na ako ni Ran.

"Ran *sobs* raaan"
"Shhh. Tahan na. You did the right thing hime.."
"Thank you Ran" i hugged him tight.

Nang mahimasmasan naman ako, hinawakan ko ang pisngi ni Ran at ngumiti.
"I love you so much Ran. Thank you for everything" then i hugged him
"I know. I love you too princess"

Napakaswerte ko talaga sa mga kaibigan ko. Si Rey na isip bata, si Roy na para ko nang kuya, si Richie na sobrang matinik sa chicks, at itong si Ran na sobrang sweet.

He held my hand tight at umuwi na kami sa bahay. I hope you are in peace now Charlie.

-----------

vote, comment , follow? :D *winks*
weird na ba? hihi. gusto ko nang tapusin itong story ko! wala lang mailagay. hihii.

- Freya

My Heart.. Belongs to.. HIM ? (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon