Chapter 12 : Letting Him Go

233 8 1
                                    

12

*too toot*

From : 09**676****
Mag ayos ka na. See you later.

Ehh? Siya nanaman? Hmm.

Ginawa ko ang sinabi niya. Pagbaba ko, nagulat ako.. dalawang hindi ko inaasahang tao ang nasa harapan ko ngayon. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napatakip ako ng bibig. Agad niya akong nilapitan.

"Anak.." sabay yakap sa akin ni mama.

"M-ma. P-pa.." bigla nalang akong naiyak..

"M-mama *sobs* p-papa! S-sorry. I'm so sorry" with that napahigpit yung yakap ko kay mama na halos parang wala nang bukas.

"Shhh. Tahan na baby. Naiintindihan ka namin" pag aalo sa akin ni mama habang hinahagod niya ang buhok ko. Hinalikan din niya ang tuktok ng ulo ko.

Hindi sila ang magulang ko.. Magulang sila ni Charlie. 2years ko din silang hindi nakita. Nagpaalam naman ako sakanila noon pero hindi ko maiwasang hindi mag sorry. Sobrang napalapit din kasi ako sakanila..

Dinala ko sila sa sala. Hawak hawak ni mama ang kamay ko. Umupo kami roon at nag umpisa nang magsalita si mama.

"I've heard na nagpasya ka ng pakawalan siya anak." Sabi ni mama.

"Opo ma. Sorry po at natagalan. Ang tagal ko po siyang pinahirapan" sabay yuko ko.

"No baby don't say that. Naiintindihan ka naman namin.. alam ko ngayon kung nasaan man si Charlie, masaya siya sa desisyon mo.." sabay haplos sa pisngi ko.

Bigla namang hinawakan ni papa ang balikat ko..

"It's time anak. Matagal ka na niyang hinihintay doon."

Ang tinutukoy ni papa ay ang malabahay na puntod ni Charlie. Sobrang mahal nila ang anak nila kaya nila pinagawan ng ganon. Kaya nasabi ni papa yun dahil ni minsan hindi ko pa nadadalaw si Charlie sa puntod niya. Nung nilibing siya, hindi rin ako pumunta. Hindi ko kasi kaya.

Huminga ako ng malalim "opo pa.. pupuntahan ko na po siya.. thank you po ng marami" sabay yakap ko sakanila..

Pagkatapos ng madamdamin naming pagkikita, napagpasyahan ko ng pumunta sa puntod ni Charlie.

---

*CEMENTERY

Nakarating na ako ngayon sa puntod ni Charlie. Sa di kalayuan, may isang lalaki ang naghihintay sa akin.

Nagulat ako. "I-ikaw? Bakit. . Paanong?" naguguluhan na talaga ako sa pagkatao nito.

My Heart.. Belongs to.. HIM ? (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon