Chapter 2 : Miss Sungit slash Heartbreaker

507 28 20
                                    

2

*yawn* bangon bangon din pag may time. Haayyy. Isa nanamang araw. Bumangon na ako at naligo. Hindi maganda ang gising ko wala sanang mambadtrip sa akin ngayong araw na to.

----- 

Pagdating ko sa school, hayyy straight face at bakas ang "DON'T YOU DARE TALK TO ME" aura ko.

Kaso, may mga pasaway pshh.

"Himeno-sama! Good morning!" Bati ng mga lalaki sakin habang dumadaan ako..

[note: -sama, it is an honorific used by Japanese people to show some respect. It is a more respectful version of "-san". Ginagamit para iaddress yung mga taong hinahangaan :) ]

I looked at them with a cold glare. Back off people!

Tshh.. narinig ko naman silang bumulong.. "waa. Nagbalik na nga ang heartless princess natin. Wala pa ring kupas! Pero mas gumanda siya ngayon."

Ughh. *facepalm* di ba dapat ma turn off sila sakin!? Bakit ganyan!

Sumaglit naman ako sa locker room ko. Pagbukas ko, may nalaglag na papel. Hnnmm

"Meet me at the rooftop at 1pm. I've got something to tell you"

Sino naman kaya to?

Hay. Nilagay ko yung papel sa bulsa ko at pumunta na sa classroom.

Aba wala pa yung apat. Umupo nalang ako sa may pwesto ko. Maya maya dumating na yung mga alipores ko.

"Hime!!" Sigaw ni Rey. -__-

"Bakit ngayon lang kayo?" Taas kilay kong sagot.


"Hindi mo kami hinintay kaya! Dinaanan ka namin sa bahay niyo." Sagot naman ni Ran.


"Tss. Maaga ako nagising ee" malamya kong sagot.


"Dapat tinext mo manlang yung isa sa amin." Masungit na tugon ni Roy.


"Hey hey aga aga ee ang sungit mo nanaman Roy.." then Richie placed his hand sa ulo ko.

Naupo na sila at nagstart na yung klase. Naku naku malapit nanaman ang exam. Panigurado mag gugroup study slash movie marathon nanaman kami sa bahay nitong mga to.

My Heart.. Belongs to.. HIM ? (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon