Chapter 13 : His True Self?!

259 8 0
                                    

13

Nandito kami ngayon sa bahay ko.. kailangan na niyang ikwento sa akin ang lahat.

"So, simulan mo na." Utos ko sakanya.

"Hmm. Una, gusto ko munang mag sorry. My name isn't actually Charlie" pagsisimula niya. Ahh okay hindi niya name ang Charlie.. wait-- WHAT?! Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Mm-mm. My real name is Cedric Cruz.." pagtuloy niya. Ehh?! Bakit Charlie ang ginamit niyang pangalan?

"I am his childhood friend. Di niya ako naipakilala sayo dahil nasa States ako. Sinabi ko rin sakanya na wag akong ikwento sayo para pag umuwi ako ng Pilipinas, makikipagkilala ako sayo para itest ka kung loyal ka talaga kay Charlie. Pumayag naman siya.. lagi kaming nagkukwentuhan. Laging ikaw ang topic namin.. kung gaano ka niya kamahal at kung gaano ka niya ayaw iwanan.. that time hindi ko alam kung bakit niya sinasabing ayaw ka niyang iwanan. Di ko kasi alam yung tungkol sa sakit niya.." tuloy tuloy lang siya sa pag kukwento. Hindi ko na siya iniinterrupt.

"Tapos one day, i recieved a call from his mom.. binalita niya sakin na he died. I was shocked.. at nalungkot at the same time. Ang bestfriend mo namatay ng hindi mo nalaman na may sakit pala siya.. a month later, may dumating sa aking package. it's from him.. tanchado niya na.. may nakalagay din na sulat dun. Kung pwede umuwi daw ako ng Pilipinas to check on you at para gawin yung inuutos niya, yung pinaglagyan ng memory card sa puntod niya.. and so i did, pero i didn't check on you.." bakas sa mga mata niya ang sincerity at lungkot sa pagkawala ng matalik niyang kaibigan. At talagang inutusan pa siya ni Charlie.

"I hired someone to check on you instead tapos bumalik ako ng America.. Puro pictures lang naman yung pinapadala sakin.. pictures mo.. sa loob ng two years puro masasayang picture mo ang nakikita ko.. I thought you're okay.. Until one day, pinadala sa akin ang picture mo sa may rooftop.. umiiyak habang nakatingin sa kalangitan.. i called Charlie's mom, then sinabi niya na never ka pa daw dumalaw sa puntod ni Charlie.. so i decided to personally visit you here. At first sinungitan talaga kita and even used Charlie's name, why? Para mapansin mo ako.. tulad ng sinabi ko kay Charlie, pag nagpakita ako sayo itetest kita, and so I did.. hanggang sa napunta ka na sa last stage, ang pagdalaw kay Charlie.."

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Sobrang haba.. planado pala niya lahat.. *gasp*

"Don't tell me kasama sa plan mo yung muntik akong ma rape?!" Bigla ko kasing naalala yun.

"Of course not! Muntik ko na ngang mapatay yung lalaking yun e!" Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya..

"Sana natulungan kitang mapagaan yung nararamdaman mo." Sabay yuko niya..

I held his hand at napatingin naman siya sakin..

"Thank you Cedric.." sabay yakap ko sakanya.. "so tapos na ang mission mo dito, babalik ka na ba ng States?"

"I don't think so" then he smiled. "Hindi pa tapos ang mission ko." Sabay kindat sa akin. What was that?

My Heart.. Belongs to.. HIM ? (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon