8- Hi neighbor!

902 31 0
                                    

SHANE'S POV  

Nagcommute na ko pauwi at tamang tama andun na si kuya. Nanonood ng tv.

"Oy kuya ken!"

"Ken: Andyan ka na pala. O andun yung pagkain, kunin mo nalang."

"Di mo man lang ba ko tutulungan?"

"Ken: Malaki ka na. Kaya mo na yan." 

"Napakasama mo talaga!"

"Ken: Alam ko."

"Che! Bahala ka diyan." then kinuha ko na yung pagkain ko.  Umupo ako sa tabi niya para dun kumain.

"Ken: Kumusta unang araw?"

"Ayos lang."

"Ken: Anong ayos lang?"

"Jusko kuya, simpleng tagalog word di mo maintindihan?"

"Ken: Sira! Ang gusto ko yung detalyadong sagot!"

"Arte. O sige, may naging kaibigan na ko. Si Rina at Lance yun tapos nagdiscuss si ma'am, nagpaquiz. Tapos ang laki nung eskwelahan. Grabe kuya siguro yung bahay natin sa probinsya banyo lang nila. Hahaha!" di ko na sinabi na napaaway ako. Etong kuya ko, oa toh eh. Hahaha!

"Ken: Ahh."

"Eh ikaw kuya, kumusta trabaho bilang waiter?"

"Ken: Okay naman. Medyo masungit lang yung boss pero ayos lang."

"Ahh."

"Ken: Walang nanliligaw sa'yo dun?"

"Ligaw agad?! Kabago bago ko pa lang eh."

"Ken: Eh siguro may crush ka na dun?"

"Hehehe." siguro itong pagkahibang ko kay lance, kailangan kong i-open up sa kuya ko.

"Ken: Sabi na nga ba meron eh!"

"Eh kasi kuya gwapo siya, matalino, mabait, mapagkumbaba, friendly, palangiti. Ah basta! Nasakanya na ang lahat."

"Ken: Crush ka rin ba niya?" napayuko ako.

"Hindi. At hindi niya rin alam na crush ko siya."

"Ken: Kawawang bata." sinapak ko si kuya kaya naman napaaray siya. 

"Nakakainis ka!"

"Ken: Hahaha!" tinawanan lang ako?! Grabe napakabait.

"Pag talaga ikaw may niligawan, sisiraan kita dun sa nililigawan mo! Sasabihin ko na, humihilik ka pag natutulog. Sasabihin ko rin na, pag nangungulangot ka binibilog mo at dinidikit mo sa pader." hahahaha! Talagang ginagawa yan lahat ni kuya. Yan pa! Kahit ang laki laki na niyan eh parang isip bata pa rin. 

"Ken: Anong sabi mo?!"

" Bakit totoo naman yun ah!"

"Ken: Wala namang ganyanan."

"Bakit, may nililigawan ka na ba?"

"Ken: Wala pa."

"Anong wala PA?! So may balak ka ng ligawan. Sino yan ha?!"

ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon