26- Mataray mode on

727 27 4
                                    

Shane's POV 

Time check: 6:43pm

Andito ako ngayon sa bahay ni mr. kkk. Malamang, slave niya nga ako di ba? -___- Nagmamakaawa akong pauuwiin niya na ko tutal friday nanaman. Di ba saturdays and sundays ang day off ko? Gusto ko kasing bantayan yung lyn na yun. 

"Sige na kasi mr. kkk! PLEASEEEEE!"

"Andrew: No."

"YES!"

"Andrew: If I said no, NO!" tapos umalis siya. infairness nakakatakot siya ha. Anyare kaya dun? 

Sumunod lang ako sakanya dahil pumunta siyang kitchen.

"Andrew: Bat ba ang kulit kulit mo?! Di ba weekends pa ang day off mo, HA?! Now, you shut up!" sabi niya habang pinapandilatan ako ng mata.

"Oh chill! Bat ba high blood ka? Well, lagi ka namang high blood pero parang iba ngayon."

"Andrew: Wala kang pakialam! Just leave me alone! You're just my slave at wala sa trabaho mo ang makichismis!"

"Ayaw mo edi wag! Nagmamagandang loob ng nga yung tao. Bahala ka diyan! Aalis na ko."

"Andrew: Bukas pa ang saturday!"

"Alam ko! May importante pa kasi akong gagawin. Sige na? PLEASEEEEEE!"

"Andrew: Aish, fine!" 

"Yay! Salamat!" tapos kumuha na ko ng bag at nilagay ang mga gamit na kailangan ko para matulog dun. Cellphone, toothbrush, mga damit at shorts tapos chuchublabla.

Tapos lumabas na ko. Pero bago ako umalis, tinawag ako ni mr. kkk

"Andrew: Slave."

"Ano?"

"Andrew: S-sa'yo nalang toh." tapos may iniabot siya saking necklace? Teka, eto yung mamahaling necklace na binigay niya kay patricia pero hindi niya ito tinanggap!

"Anong gagawin ko dito?"

"Andrew: Isakal mo sa leeg mo."

"Ha-ha-ha ang dami kong tawa mga tatlo. Dagdagan natin para di ka lugi. Ha-ha. Ayan lima na oh!" 

"Andrew: Just keep it!" tapos tumalikod na siya. Tinawag ko siya ulit pero di siya lumingon kaya nagkibit balikat nalang ako at umalis na. TInago ko nalang sa bag ko. Aba, sayang din ito noh! Haahahaha. Sanla ko kaya? Wag na. Baka hanapin ni mr. kkk eh!

Pumunta na ko sa bahay at di na ko kumatok. Pagpasok ko, nakita ko si lyn na nakahiga sa sofa habang nanonood ng tv. May kape pa siya sa table. Ang kapal!  KALA MO BAHAY NIYA AH!

"*ehem* Excuse me?" tapos umupo siya at tinignan ako pero inirapan lang ako at humiga ulit. Aba! Bastos toh ah! Kala niya di ko alam na niloloko niya lang si kuya? Psh. 

"Asan si kuya?"

"Lyn: Nasa earth parin." pamimilosopo niya.

"O? Ikaw, gusto mo paliparin kita sa mars kapag di ka sumagot ng maayos?" tumayo siya at naglakad papalapit sakin.

"Lyn: Ang kapal mo para sagut sagutin ako ah."

"Sino kayang mas makapal satin? Hoy babaeng haliparot, baka nakakalimutan mong nakikitira ka lang dito? At kung makaasta ka akala mo ikaw nagbabayad dito ah? Kapal mo rin!"

ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon