2-This can't be!

1.4K 44 2
                                    

Shane's POV

"1x3?"

"Len: 3!"

"Yan! Very good! Eto pa. Mas mahirap! 2x9!"

"Len: 16?"

"Eengk mali! 2x8 naman yun eh! Ang 2x9 is 18!"

"Len: Sige ate. Tatandaan ko yan." Tinuturuan ko si Lenlen na mag multiply obvious naman di ba? :P 

"Kuya Chi: Eto len, solve mo. [(2 x 4)+(6 x 8) -32] +67"

"Len: ANG HIRAP NAMAN KUYA! Hindi naman pang grade 3 yan eh!"

"Kuya Chi: Ikaw Shane, alam mo sagot?"

"Edi 91!"

"Kuya Chi: Galing! Sabihin mo sakin pano mo nakuha yung sagot." Balak ba mag teacher nitong si kuya? Kung makaasta kala mo adviser eh.

"Sige. 2 x 4 di ba 8? 6 x 8 di ba 48? Yung product nila pinagplus ko. Bali 48 + 8 is equal to 56. Yung 56 mininus ko sa 32. Kasi di ba may 32 pa? Bali 56-32 is equal to 24. Tapos di ba nasa labas ng bracket may 67? 24 + 67 is equal to 91. So the answer is 91."

"Kuya Chi: Len, palakpakan natin ang ate shane mo! Talino! BRAVO BRAVO!"

"Wait kuya. Siguro kaya mo pinasolve sakin ay hindi mo alam yung sagot noh?! Inimbento mo lang yung question na yun pero ang totoo di mo alam yung sagot!"

"Kuya Chi: H-hoy! H-hindi noh!"

"Huli kang lamok ka! Kala mo ah! Hahahaha!"

"Kuya Chi: Siyempre alam ko kung pano isolve pero siyempre, hindi ko kaya imentally compute yun noh! Ano ako, human calculator? Oo alam ko gwapo ako pero hindi naman ako calculator."

"Gwapo daw siya. Len, gwapo ba si kuya chi?"

"Len: Hindi kaya!" Nagapir naman kami ni len. Si kuya nagpout lang. Sus! 

"Kuya Ken: Hoy chill! Asan mo nilagay yung pabango ni tatay?" Sigaw ni kuya ken mula sa kwarto nila. Ang magkasama kasi sa isang kwarto ay si kuya chi, at kuya ken. Ako, solo ko lang yung kwarto ko. Ayaw kasi matulog nila nanay sa kwarto kasi gusto nila malapit lang sa banyo. Tapos gusto naman ni Len na tumabi kila nanay kaya ako ang magisa sa kwarto.

"Ha? Bakit sa'yo hinahanap ni kuya ken yung pabango ni itay?"

"Kuya Chi: Aish! MANAHIMIK KA NGA DIYAN KEN!" Biglang lumabas si kuya ken.

"Kuya ken: Teka, wag mo sabihing di mo pa rin nasasabi?"

"Kuya Chi: Keen--oomph!"  Di na siya nakasalita pa dahil bigla nalang tinakpan ni kuya ken yung bibig ni kuya chi.

"Kuya ken: Kasi itong si chi, inlababo dun sa classmate niya. Hindi niya kinwento sakin yun. Nahuli ko lang siyang kinakausap ang sarili sa salamin. Tapos nung balak niya ng lapitan, hiniram niya yung pabango ni itay. Kaso, olats naman siya kasi may boyfriend na pala.  Hoy! Hindi mo pa sinasabi kila nanay noh?"

"Kuya Chi: Para saan pa? Eh wala din naman eh." Bigla siyang yumuko. Pinipigilan kong tumawa kasi alam kong seryoso tong si kuya. At dahil dun natatawa ko. Pati sa storya ng lablayp niya, natatawa ko.

"Ang kawawang cowboy! Nagpabango kaso hindi napansin!" Nagpipigil din naman ng tawa si kuya ken.

"Kuya Chi: Hoy Shane, nagpaparinig ka ba?"

ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon