11- Friends

748 29 4
                                    

Shane's POV 

Yung lalaking yun! Nakabente ako sa pagbili ng mga kwek kwek na yun na inubos niya. OO! Wala pa kaya akong nakakain ni isa dun. SIYA LANG ANG UMUBOS! At hindi man lang nagpasalamat. Ay jusko po! Kung ako lang ang magulang niyang suwail na batang yan, kanina ko pa pinakain sakanya yung mga basura sa Manila Bay.

Bumalik na ko sa room at pumasok na dun. Nakita ko si Rina at Lance na magkatabi. Si Rina nakaupo siya sa upuan ko tapos yung isang headset ni Lance ay nakay rina. Bali share lang sila sa isang headset. 

Nakapikit sila habang nakasandal sa upuan. Naisipan kong wag na silang istorbohin. Baka sabihin pa nila na epal ako. Bakit pa ba ko umaasa na mamahalin ako ni Lance? Eh andyan naman si Rina. Sigurado namang kung kami lang ang pagpipilian niya, si Rina na yung pipiliin niya noh. 

Lumapit nalang ako kay Andrew na kasalukuyang nagbabasa ng The Last Olympian.

"Hello!" tumingin lang siya sakin, tapos nagbasa ulit. Umupo ako sa tabi niya at sinilip kunwari yung binabasa niya.

"Ahh, ano yan?"

"Andrew: Book." matipid na sagot niya.

"Alam ko. Anong storya niyan?"

"Andrew: Ang akala ko alam mo na?"

"Oo nga. Gusto ko lang ikwento mo ulit na parang hindi ko alam."

"Andrew: You're crazy." as usual, inikot niya nanaman ang mga mata niya at nagbasa.

"Aminin mo,nasarapan ka sa kwek kwek kanina ano?"

"Andrew: No." kunot noo niyang sabi. Sus! 

"Ahh. Kaya pala naubos mo yung sampung piraso nun kasi hindi mo nagustuhan."

"Andrew: Okay, its delicious but I dont like it."

"Sayang, meron pa naman ako dito."

"Andrew: WHERE?!" agad niyang tiniklop yung binabasa niya at hinawakan ang magkabilang braso ko at hinarap niya ko sakanya. 

"Huli ka balbon! Hahaha! Arte mo ah. Meron ka pang pa 'But I dont like it' nye nye nye! Mukha mo." ginaya ko yung boses niya dun sa but I dont like it. Kaya naman kumunot ulit yung noo niya. 

"Alam mo, nagtataka ako. Sabi nila bully ka daw pero matalino ka?! Tapos bookworm ka pa. Yung totoo?"

"Andrew: Yun lang naman ang tingin nila saakin."

"Eh kasi yun yung pinapakita mo."

"Andrew: Pinapakita ko kasi yun yung pinapaniwalaan nila."

"Pinapakita mo kasi na ganun ka kaya pinapaniwalaan nila yung nakikita nila. Try mong magsorry sa mga taong binully mo at sa mga teachers na hindi mo nirespeto."

"Andrew: Para saan pa?"

"Para malaman nila na hindi ka talaga masamang tao."

"Andrew: Wala naman akong paki sa gusto nilang isipin."

"Aish bahala ka. Sumasakit ulo ko sa'yo eh!"

"Rina: Ah eh ano s-shane hello." as in parang takot na takot siya. Na lumapit dito kay andrew. 

"Hi Rina!"

ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon