10- Getting to know each other

907 30 7
                                    

Shane's POV  

"Andrew: Salamat, shane." sasagot na sana ako ng you're welcome pero ngayon ko lang narealize na NAGTHANK YOU SIYA.

"NAGTHANK YOU KA?! WAAH! WORLD RECORD!"

"Andrew: Hey shut it! I d-didn't say thank you!"

"Ay oo. Di thank you sinabi mo, salamat pala sinabi mo."

"Andrew: I didn't say thank you or salamat! OKAY?!" mapride niyang sabi. Aba! Sapakin ko kaya toh ng maalala niya yung sinabi niya? Pero sige, wag na. Basta alam ko sa sarili ko na, ngumiti na siya at nagthank you sakin. Atleast ngayon, napatunayan kong hindi naman talaga siya ang nawawalang anak ni satan.

"Bipolar ka talaga."

"Andrew: I'm not."

"Bipolar! Woot woot." pangasar ko pa sakanya.

"Andrew: I said I'M NOT! SO SHUT YOUR DAM*N MOTHE*RF*CKER MOUTH!" sigaw niya. dahil sa sobrang nakakatakot itong lalaking ito at dahil mabait ako ay tumahimik na ko.

After siguro ng 20 minutes. May nakapansin na saamin. Kasi bumukas na yung pinto.

"Janitor: o, anong ginagawa niyo dito?"

"Baka ho tumatae noh? Hindi pa po ba halatang nalock kami dito?"

"Janitor: Siya sige, labas na nga. 7:15 am na. Bilisan niyo para makaabot kayo sa next niyong klase." tumakbo na ko kaso napansin kong si andrew, tatamad tamad maglakad.

"Hoy ano ba! Balak mo bang magpalate?!" hindi niya lang ako pinansin, instead mas binilisan niya ang paglakad kaya ayun, nauna na siya sakin. Ang hahaba kasi ng biyas ng lalaking ito eh! Kung putulin ko kaya ng konti tapos idikit ko saakin. -___-

"Hoy! Uso maghintay!" pero parang wala siyang narinig. Grabe, ang bait. Sa sobrang bait, pwede na siya kunin ni lord. 

Kinailangan ko pang tumakbo para maabutan siya.

"Bakit bumalik ka nanaman sa pagiging snob at masungit? Bipolar ka ba talaga?"

"Andrew: Bored lang ako kaya kinausap kita kanina sa music room."

"Eh kinakausap mo narin ako ngayon eh." he rolled his eyes AGAIN. Grabe, hobby niya na ba talagang magroll ng eyes? -_____-

Pumasok kami sa room, I mean nasa unahan siya nasa likod niya ko pero kita parin naman ako. At lahat sila NGA NGA! Anong problema ng mga toh?

"Andrew: DUDUKUTIN KO TALAGA YANG MGA MATA NIYO!" agad naman nilang tinanggal ang pagkakatingin saamin. At yun si andrew, kung maglakad parang boss. Buti wala pala yung teacher namin ngayon,  absent.

Umupo na ko sa tabi ni lance at daig pa nito si Gretchen Fullido kung makapaginterview sakin.

"Lance: Uy, magkasama kayo ni andrew?"

"Selos ka?" 

"Lance: What if I said yes?" agad namang nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. omaygaaad! Ano ba ituuuuu?

"Lance: Biro lang. Hahaha! Nagtataka lang." kung hindi ko lang talaga ito mahal kanina ko pa toh sinapak.

"HIndi magandang biro lance." sabi ko ng seryoso. SIyempre, pasungit at patampo effect muna para suyuin, bwahahahha.

ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon