Shane's POV
Nasa room na kami at naghihintay para sa uwian. Kasi wala yung last subject teacher namin, may dengue daw. Para namang may pakialam ako di ba? Hahahaha. Ang sama ko. T_T
"Lance: Ano? Nakilala mo na ba kung sino nagpadala niyang bear?"
Naalala ko yung sinabi sakin ni Andrew sa cafeteria. Wag na wag ko daw sasabihin kahit kanino na siya yung nagpadala ng bear. Ang pride talaga grabe!
"Di ko pa nga alam eh. Baka nanttrip lang?"
"Lance: Gumastos pa siya para diyan sa pagkalaki laking bear tapos nattrip lang? Seryoso ka?"
"Ah basta, di ko alam."
"Lance: Baka naman si andrew?" agad naman akong nabulunan dun kahit wala akong kinakain.
"Babalik ko yung tanong ko sayo ha, seryoso ka?"
"Lance: Oo. Malay mo thank you gift kasi naging kaibigan mo siya."
"S-sus! H-hindi niya gagawin yun!" ganun na ba talaga kadaling malaman na si andrew yung nagbigay nitong teddy bear na toh?
"Lance: Basta, yun ang sa tingin ko."
"Wait lang, pupuntahan ko lang muna siya."
"Lance: Kaw bahala." tumayo na ko para puntahan si andrew
Nandun lang siya nagbabasa ulit ng the last olympian habang may headset sa tenga. Malamang, alangan naman sa bibig di ba?
"Huy." kinalabit ko siya. Tinanggal niya yung headset niya at tumingin sakin.
"Andrew: Bakit ka nandito?"
"Eh kasi wala ako dun." pamimilosopo ko.
"Andrew: Bakit ka nga kasi nandito?"
"Hehehe. Wala lang! Gusto ko lang magthank you para sa bear, I mean para kay ShanDrew."
"Andrew: Talagang cinareer mo yung pagtawag sakanya ng shandrew?"
"Oo naman. Di ka ba nagagandahan sa pangalan?"
"Andrew: No."
"Weh?"
"Andrew: Okay, I found it cute pero di ako katulad mo na talagang tinatawag siyang shandrew. Its just an ordinary stuffed toy."
"Di kaya! Para sakin may meaning yun."
"Andrew: Dahil binigay ko?"
"Hindi. Dahil first time ko makatanggap ng isang bear mula sa kaibigan. Alam mo kasi sa probinsya ang kadalasan binibigay sakin ng mga kaibigan ko, bracelet or necklace minsan sapatos pero walang nagbibigay sakin ng bear." oo kaya talagang aalagaan ko yung bear na binigay ni andrew kasi siya ang kauna unahan kong bear sa buong buhay ko.
"Andrew: Talaga?"
"Oo nga. Palibhasa kasi kayong mayayaman ang nireregalo sainyo, bagong Ipad, psp."
"Andrew: Di rin."
"Utot mo."
"Andrew: Oo nga. Ang nireregalo sakin madalas bagong kotse or naman kaya bahay." nanlaki lang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Probinsyana
FanfictionIsang simpleng babaeng probinsyana ang napadpad sa maynila. Nagsimula siya ng bagong buhay niya doon. Anong kapalaran ang naghihintay sa kanya sa maynila? Kaya niya kaya makipagsapalaran sa mga taong taga maynila? Pano niya haharapin ang mga pagsubo...