Ysha
Katulad na napagusapan kagabi lagi na akong sumasabay kay Aj sa pagpasok. Halos lahat ng mga estudyante dun nagugulat kasi magkasabay daw kami. Pero syempre kalat na din naman na ikakasal kami.
"Lalim ng iniisip mo ah?"
"Hi Kay! Oh magkasama na naman kayo ni Jazz"
"Ysha pengeng pera bibili akong pagkain"
Tinitigan ko lang si Jazz. Nagpantig iyong tenga ko dun sa word na "pera". Eto talagang si Jazz ginagawa akong financer. Mayaman naman sila ah! Bakit ba laging kinakapos ito sa pera?
"Ikaw babae ka! Bakit ka ba kinukulang sa pera? Hindi ako banko okay! Nauubos din ang pera ko"
"Please Ysha. Hungry"
Napabuga na lang ako ng hangin at humugot ng pera sa bag ko. Naiisip ko kapag ganito palagi mamumulubi ako.
"Eto 100 last na iyan ha!"
"Salamat. Labyu"
Tumatalon talon pa si Jazz na umalis sa table namin. Mukhang may balak siyang papakin lahat ng pagkain dito sa canteen.
"Kay! Ano tipo ni Aj?"
Bigla namang nasamid si Kay sa tanong ko. Bakit may mali ba sa tanong ko? Inosente lang akong nakatingin sa kanya. Mukhang hindi siya makapaniwala sa tinatanong ko.
"May lagnat ka? OMG SINASANIBAN KA?!"
"OA mo Kay! Masama ba magtanong?"
"Well that's new. Hmm bakit mo naman natanong?"
"Ahm secret"
Hindi umiimik si Kay pero nararamdaman ko iyong aura niya. Iyong aura na pamatay. Grabe mukhang sasabog siya
"ANONG SECRET?! YSHA MARIE UMAYOS KA!"
"Shhh wag ka nga sumigaw! Ehh kasi ano ano inlove na ako kay Aj"
Pabulong kong sabi dun sa last part. Kasi naman kahit papaano naninibago pa din ako. Parang sobrang bilis ng lahat. Kailan lang naannounce na ikakasal kami ni Aj at ako nagiisip para makaiwas sa kasal. Ngayon nagiisip na ako ng plano para magwork out kami ni Aj
"SABI NA NGA BA EH!"
"Oo na!"
"Just be yourself! Ysha you're perfect just the way you are"
Aww natouch naman ako sa sinabi ni Kay pero syempre diba all men have their ideal women.
"Eh Kay naman! But wait nagkita kami ni Nathan"
"OMG! Talaga? Kelan? Saan?"
"Teka isa isa lang ang tanong okay!"
"Nagkita kami nung nagpunta kami ni Aj sa EK. Hindi ko naman ineexpect na magkikita kami doon"

BINABASA MO ANG
My Teacher is my Husband
RomanceWe fall in love by chance. We stay in love by choice. Start: May 10, 2016 End of Book 1: April 6. 2017