Chapter 27: Honey and Moon

5.6K 110 9
                                    

Ysha


Tumigil na ba ang pagikot ng mundo o ako lang talaga ito? Namamawis ang palad ko kahit nakatodo naman ang aircon.


Nagpapalit kasi ako ng damit dahil ehem "Honeymoon" naman daw. Ayy grabe maloloka na ako. Kung kaninang umaga gutom na gutom ako kabaliktaran naman ng nangyari ngayong gabi!


Actually 3 araw lang ang honeymoon namin ni Aj. Napilit niya kasi akong pumunta sa Barcelona. Aba dinaig niya pa ako sa pagplaplano eh.


Nagulat naman ako ng biglang magring ang phone ko. Nabitawan ko naman lahat ng inaayos ko dahil unknown number ito. Malaki ang chance na si K ang tumatawag. Dali dali ko namang kinuha ang phone ko at sinagot iyon.


"Hello?"


"Hello Ysha!"


"KAYREEN NASAAN KA?!"


Halos mawalan ako ng boses sa lakas ng pagkakasigaw ko. Masisisi niyo ba ako? Ang bestfriend ko na hindi nagpapakita sa araw ng kasal ko ay tumawag at nagsabi ng hello?!


"Ysha kumalma ka nga! Buhay pa din ako, wag kang magalala"


"Luka ka! Alam mo bang hinahanap ka nina tita sa akin?! Pati si Luke hinahanap ka!"


Yes, hinanap siya sa akin ni Luke and believe me alam ko na ang nangyayari sa kanilang dalawa dahil pinilit ko si Luke sabihin sakin. Muntik ko na nga siya magulpi eh.


Kasalukuyan akong nagiikot sa bawat table ng mga inimbita namin ni Aj ng mapagawi ako sa isang lalaki na nagsusumiksik sa gilid.


"Luke? Okay ka lang ba? May problema?"


"Ysha? Hindi mo ba talaga alam kung asan si K?"


"Hindi ko alam Luke eh. Teka nga bakit ba alalang alala ka kay K?"


Iniwas naman sa akin ni Luke ang mga mata niya. May nangyayari sa kanilang dalawa ni K na hindi ko alam at base sa reaksiyon niya paniguradong iyong bestfriend ko ang dehado.


"LUKE! ANONG GINAWA MO SA BESTFRIEND KO?!"


Hindi ko napigilan ang sumigaw. Hindi naman kami masyadong narinig ng mga guest dahil nasa sulok kaming dalawa.


"Ysha! Hindi ko sinasadyang saktan si K!  May nangyari samin at iniwan niya ako!"


Kung kanina gulat lang ako ngayon gulat na gulat. Naunahan pa ako ni bestfriend na magsuko ng bataan! Teka nga may narinig din ako eh. Iyong word na "saktan"


"Luke please tell me na hindi ikaw ang lalaki na tinutukoy ni K"


Tumingin lang si Luke sa baba. Goodness gracious bakit wala ako sa tabi ni K sa mga panahong nasasaktan siya. Hindi ko alam na ang lalaking ito pala ang dahilan.


Pinipigilan kong magalit dahil kaibigan ko si Luke at kasal ko din ngayon. Pero mas nananaig sa akin na sinaktan niya ang bestfriend ko. Sinaktan niya ang isa sa mga taong mahalaga sa akin.


My Teacher is my Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon