Chapter 15: Fight

5.4K 113 0
                                        

Ysha


Grabe! hindi ko akalain na ganito pala kasaya dito. Halos inikot namin ni Aj lahat ng rides. Natouch naman ako na dinala niya ako dito, na para bang ordinaryong tao lang kami na kinikilala ang isa't isa, hindi katulad ng ibang lalaki dinadala lagi sa expensive restaurants





Umupo kami ni Aj sa isang bench dahil napapansin kong napapagod na din siya. Tapos nagpresenta siya na bibili siyang tubig dahil napansin niya atang nauuhaw na ako




"Okay diyan ka lang ha! Careless ka pa naman"




Umalis siya at ako naman naiwan ditong iniintay siya. What if in the future ganito pa din kami ni Aj? Aalagaan namin ang isa't isa and we will have each others back. Minsan iniisip ko kung paano niya nagagawa ang mga bagay na hindi ko maiwasang hindi mapansin. He always make me feel special. Nawala ako sa mga iniisip ko ng narinig ko ang pangalan ko.






"Ysha?"





That voice. No it couldn't be him. Hindi ako lumilingon. Hindi pa ako handa. Oo nakapagmove on na ako pero hindi ibig sabihin nun okay na ang lahat. Napansin ko na lang na nasa harapan ko na siya.





"Ysha, it's me, Nathan"




"Hi Nathan"





Sinubukan kong lagyan ng gana ang boses ko. Hindi niya pwedeng mapansin na hindi ko siya gustong makita at kahit kailanman hindi ko gugustuhin




"Kamusta ka na? Its been a long time since we saw each other. Sino kasama mo?"




"Okay lang naman. I'm with my fiance. Ikaw sino kasama mo?"





Alangan namang magsinungaling pa ako. Isa pa gusto ko makita niya na masaya na ako. Hindi na ako ang dating Ysha na naghabol sa kanya





"You're getting married?!"





Bakit ba gitla na gitla siya? Impossible ba na makasal ako? Sa ganda kong ito, please! Pero hindi niya sinasagot kung sino ang kasama niya




"Ahm yes hahaha. Sige mauna na ako hahanapin ko lang ang fiance ko. Bye"





Lalakad na ako palayo sa kanya pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Biglang bumalik sa akin lahat. Kung paano niya ako ginamit at sinaktan. Because I was a nerd kaya ginawa niya akong laruan.





"Ysha, pinagsisihan ko lahat ng nangyari. I love you. I want you back"





"HAHAHAHAHA patawa ka Nathan. Don't get me wrong matagal ko ng kinalimutan lahat ng nangyari noon. Naguiguilty ka lang."




Balak pa niyang magsalita pero hindi ko na siya inantay pa. Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya dahil mali iyon. Iba ang nararamdaman ko kapag si Aj ang may hawak ng kamay ko. If its Aj, I feel secured but if its Nathan, I feel emptiness.





"Wifey! Eto tubig oh"




Inabot ko ang tubig na dala ni Aj. Inaya ko na siyang umuwi dahil hindi ko na nafefeel ang lugar na ito.




"Ahm Aj let's go home"




Napansin ni Aj na wala ako sa mood kaya hindi niya na pinilit alamin kung may problema ba. Hindi na din ako umimik sa byahe. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Nathan. He loves me. Kung siguro mahal ko pa din siya baka nagtutumbling na ako. I was naive back then to think na ang isang lalaking katulad niya ay mafafall sa akin.





Ginamit niya at pinagsamantalahan niya ang nararamdaman ko. Naiiyak na naman ako. Masama bang umasa na mamahalin ka din? Paano kung nerd pa din ako ngayon? Will Aj even look at me? Nakarating kami ni Aj sa bahay at hindi pa din ako umiimik. Hindi kami bumababa sa sasakyan.





"Come on Ysha, talk to me. Anong nangyari?"





Hindi ako agad sumagot. Iniisip ko kung paano sasabihin sa kanya. What if malaman niya ang nangyari? Kung paano ako nabaliw sa isang lalaki. Malalaman niya kung gaano ako kahina noon.




"Aj he's back"




"Who?"




Hindi ko siya sinagot instead niyakap ko siya at umiyak. Feel na feel ko ang pagiyak dahil nararamdaman ko ang concern ni Aj para sa akin. Its like ayaw niyang nalulungkot ako.





"Don't worry Ysha. I'll protect you from him"




He kissed my hair and hug me more. I feel secure sa yakap niya. Alam kong hindi niya akong hahayaang masaktan which scares me. Wala pa rin kaming label sa relasyong ito. Natatakot na naman ako dahil ngayon, alam kong mahal ko na siya. Parehas ba kami ng nararamdaman?




Kumalas sa yakap si Aj at pinagbuksan niya ako ng pinto. Hanggang sa makababa at makapasok kami sa bahay hindi niya binibitawan ang kamay ko.




Bigla kong naisip na bakit ba ako natatakot? Kung hindi niya ako mahal, I'll make him love me. I won't back down in this fight. Nagawa ko ng maghabol sa maling lalaki. Kakayanin kong maghabol sa tamang lalaki. Ughh nababaliw na ata ako.




"Matulog ka na okay."




"Hindi ka pa matutulog?"





Nakatitig lang si Aj sa mga mata ko. Its like may hinahanap siya sa mga mata ko. Naiilang na ako kaya ako na mismo ang nagiwas sa mata ko. Letche kasi kanina naiiyak ako ngayon naman kinikilig ako!




Hinawakan niya ang baba ko at inangat muli ang ulo ko para matitigan niya ulit ang mga mata ko. Eh naman! Sana mata na lang ako!




"Don't ever cry again, okay?"



"Okay"




"Tulog ka na may klase ka pa bukas. Sasabay ka sa akin bukas"





Bossy as always. But that's one of many reasons why I love him. In this fight you'll be mine Aj.

My Teacher is my Husband Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon