Ysha
Ano na ba nangyayari sakin grabe umeepekto ba sakin ang charms ng kumag na iyon?!
Hayyy iyong ngiti niya kagabi anlalim tas sobrang lalim ng dimples...imagine may dimples pala siya...kahapon ko lang nakita eh kasi naman lagi siyang nakasimangot
Wait! Ano ba nangyayari sa akin bakit ba siya ang iniisip ko...HINDI KAYA GINAYUMA NIYA AKO?!
"Ysha ano may napili ka na ba?"
"Okay lang naman ma kahit ano ang suotin ko"
Pinapapili na ako ni mama ng susuotin ko sa engagement party namin ni aj and sad to say wala talaga ako sa mood ngayon para magsukat
"Nga pala ysha napagusapan na namin ng daddy mo tungkol dun sa hiling ni austin na after mo makagraduate ang kasal and he approved"
Bigla akong napatayo mukha tuloy akong patay na nabuhay dahil sa sinabi ni mama!
"REALLY?!"
"Yes mas maganda na din iyon para mas makilala niyo pa ni austin ang isa't isa"
I just smiled...great i have 1 year para makaisip ng paraan para hindi matuloy ang kasalan na ito...how about makipagsabwatan ako kay aj papayag kaya siya?
"Hay naku ysha ano ba pipili ka ba o hindi?"
"Ma pwede ba next time na lang ako pumili ng damit masama po kasi pakiramdam ko"
Nagkunwarian ako na masakit ang ulo ko...sana umepekto ang aking acting skills
"Nilalagnat ka ba?"
"Hindi naman ma pero gusto ko na po magpahinga"
"Hmm sige magpahatid ka na lang sa driver ingat ka sa paguwi"
Akala ko pa naman dun na ako matutulog...pinahatid na ako ni mama sa driver...nagisip ako ng mga bagay na pwede naming gawi ni aj
What if? Ipakita ko sa kanila na hindi kami magwowork ni aj or mafall sa akin si aj and happily ever after na?! NO WAY!!!
Ano ba yan sari sari ang pumapasok sa isip ko...keep calm heart baka mapano ka niyan
"Maam? Andito na po tayo wala pong traffic kaya medyo mabilis ang byahe"
"Thank you kuya arthur! Ingat ka sa paguwi"
"Sige po maam"
Andito na ako sa labas ng bahay namin...Imagine ilang days na ang nakalipas simula ng nalaman ko na na ikakasal ako sa taong hindi ko ganun kakilala
"AUSTIN LUTUAN MOKO NG PAGKAIN!"
May kasama si aj? Hindi man lang siya nagsabi na maguuwi siya ng tao sa bahay pero teka nga boses babae eh!
BINABASA MO ANG
My Teacher is my Husband
Storie d'AmoreWe fall in love by chance. We stay in love by choice. Start: May 10, 2016 End of Book 1: April 6. 2017
