Ysha
"Aj okay ka na ba?"
Matapos ang sapakan nila kanina ni Nathan at ang maalanovela na pagyayakapan namin hindi na gumagalaw si Aj at para bang concentrate na concentrate siya sa pagmamaneho
"Yeah. I'm fine"
Hindi na ako umimik pagkatapos niyang sumagot. Nagconcentrate na lang din ako sa pagtitig sa labas ng bintana. Mukha tuloy akong nasa isang koreanovela at nagsesenti sa tabi
Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Aj sa akin na "Akin ka lang" paulit ulit pumapasok sa isip ko ang mga salitang iyon. Hindi lang pala sa isip pati na din sa puso ko
Ano na kami ngayon? Kanya ako so akin na din siya? May dapat ba akong asahan sa kanya? Mahal din ba niya ako? Madaming tanong ang pumasok sa isip ko na tanging siya lang ang makakasagot
Pero inaamin natatakot ako. Paano kung iyong mga sagot niya sa mga tanong ko kabaliktaran sa inaasahan ko? Hindi naman siguro mawawala ang takot sa puso ko lalo na't alam kong wala pa ding assurance mula sa kanya na parehas kami ng nararamdaman
Napatigil na lang ako sa pagiisip ng biglang huminto ang sasakyan namin. Napalinga ako at napansin kong nasa bahay kami. Akala ko ba kakain kami sa labas? Nagugutom na din kasi ako
"Aj? Bakit nasa bahay tayo? Akala ko ba kakain tayo sa labas?"
"We need to talk"
Base sa tono ng boses ni Aj nalalaman ko na seryoso ang paguusapan namin. If it's about Nathan I'm willing to tell him about us. Pero mukhang iba ang gusto niyang pagusapan which scares me
"Aj kain muna tayo heheh"
"After we talk"
Lagot na! Mukhang wala na akong kawala sa usapang ito. Bumaba na siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Nang makapasok kami sa loob ng bahay walang umiimik saming dalawa. Ano magtitigan na lang kami dito?
"Who is he?"
"Ha? Sino?"
Nagkunwaring wala akong alam sa paguusapan namin. Kung tutuusin ayaw ko lang palakihin ang isyu. Kailangan ko lang malaman kung si Nathan lang ba talaga ang paguusapan namin
"Iyong lalaking humawak sayo kanina. Sino siya?"
"He's Nathan"
"Close kayo?"
"He's my first love hmm not really maybe infatuation"
Kailangan cool lang ako pero sa loob loob ko kinakakabahan na ako sa mga tanong niya. Kating kati na din akong magtanong sa kanya. Kung alam niya lang ang mga gusto kong itanong sa kanya. Tahimik lang kaming parehas ni Aj kaya tumungo na lang ako nagitla na lang ako ng bigla siyang magsalit
"Huwag ka ng lalapit sa kanya"
Naptingala naman ako sa sinabi ni Aj. Binabakuran na ba niya ako? Maybe I should push him to his limits. Kapag ginawa ko ba iyon ang paguusapan naman namin ang iyong tungkol sa aming dalawa?
BINABASA MO ANG
My Teacher is my Husband
RomanceWe fall in love by chance. We stay in love by choice. Start: May 10, 2016 End of Book 1: April 6. 2017