Chapter 13: Date

5.7K 117 3
                                        

Ysha



After ng usapan namin ni Kay noong isang araw napagisipan ko na umuwi na lang at katulad ng dati normal lang ang naging pagsasama namin ni Aj





Ngayon nakahiga lang ako sa kama kasi wala namang pasok tapos isa pa itong si Aj nawawala. Naku kapag nalaman kong nakikipagdate iyon kukutusan ko iyon!




Teka nga eh ano naman kung makipagdate siya ano ba niya ako? Hinalikan lan naman niya ako? Hayy buhay hindi ko naman alam nakakabaliw pala kapag kinakausap ko sarili ko



Maya maya pa tumunog iyong phone ko. Sinilip ko iyong caller at nakita kong si mama pala ang tumatawag. Ano na naman kaya ngayon ang kailangan niya?



"Hi ma"




"Ysha pumunta ka ngayon dito. Andito na iyong damit mo para sa engagement niyo ni Austin!"




"Ehh mama bukas na lang wag ngayon"




"Batang ito tinatamad ka na naman? Hindi ka ba naeexcite? Ikakasal ka na"




"Matagal pa ma, tulog muna"




"Bahala ka nga basta ako excited na ako para sayo tapos bibigyan niyo na ako ng maraming apo!"




Nahulog naman ako sa sinabi ni mama! Apo?! Maraming apo?! Hindi nga namin mahal ang isa't isa paano magkakaapo?! Hindi ko isusuko ang bataan!




"Ma naman! Ang bata ko pa eh!"




"Nga pala Ysha papakuha ko kay manong iyong sasakyan mo diyan ha"




"Ha?! Bakit? Akin iyon ah"




"Sabi kasi ni Austin hindi ka daw sumasabay sa kanya. Hindi ka daw magaling magdrive tapos careless ka daw kaya kung pwede daw kunin ko na"




"WHAT?! Kakausapin ko siya. Bye ma"




"Ysh-"




Binaba ko na ang tawag. Hindi ko mapigilan maginit ang ulo ko. Sana sinabi na lang niya na sumabay ako sa kanya! Hindi naman ako pabebe eh!




Nagbukas ang gate. Baka nandito na si Aj. Humanda siya sa akin! Kung ano ano ang sinasabi niya kay mama eh. Lumabas ako at sinalubong siya at bago pa siya makapasok sa bahay namin kinausap ko agad siya



"Aj bakit mo sinabi kay mama na kunin ang sasakyan ko!"



"Ohh nasabi na pala sayo ni tita"




Nilagpasan ako ni Aj na para bang papel lang ako. Sa laki ba naman kai ng lalaking iyon nagmumukha akong stick pag katabi siya




"Aj!"



"Stop shouting woman!"



Inipit niya ang labi ko na parang paper clip lang ang dalawang daliri niya. Tapos pinisil pisil niya kaya nagmumukha akong ewan



"Aj ano bshahsjdjz shaj"



"HAHAHAHAH ano sabi mo?"




Tawa siya ng tawa habang ako naman namumula na ang pisngi ko. Sinipa ko iyong tuhod niya para mabitawan niya iyong labi ko. Napaluhod naman siya sa ginawa ko.




My Teacher is my Husband Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon