Chapter 23: Tomorrow

5K 109 5
                                        

Ysha


Ikakasal na ako bukas. Gragraduate na ako bukas. Saan ba dapat ako mas kabahan?! Wooh pakiramdam ko sasabog ako ngayon. Alam niyo ba iyong time bomb ayy grabe!


Pagulong gulong lang ako sa kama ko. Tama wala ako sa bahay namin ni Aj. Halos dalawang araw na kaming hindi nagkikita. Kailangan daw naming sundin ang pamahiin eh.


Nagulat na lang ng biglang nagring ang phone ko. Heaven gracious si K! Ilang araw ko na siyang hindi nakikita pero alam naman niyang siya ang maid of honor ko kaya hindi siya pwedeng mawala bukas. Dali dali ko namang sinagot iyong tawag.


"Hello K! Asan ka bang babae ka grabe nagaalala na ako sayo!"


"Ysha?"


Nagulat naman ako ng bigla siyang suminghot. Utang na loob may nagpaiyak ba sa kanya?! Tatamaan sa akin ang lalaking iyan!



"Kay gabing gabi na anong problema? Teka umiiyak ka ba?"


"Ysha, sorry hindi ako makakarating sa kasal mo ha. Always remember I'm so happy for you at kapag sinaktan ka ng kumag na iyan ako na bahala pumatay sa kanya okay? I love you ysha"


"Kay ano ba sinasabi-"


Bigla naman niyang pinatay ang tawag. Sinubukan ko siyang tawagan ulit pero hindi ko na siya macontact. Natatakot ako sa pwedeng mangyari kay K. She's been through a lot. Ang sabi niya lang sa akin nagmahal siya ng taong hindi dapat mahalin.


Napatingin naman ako sa wedding dress ko. Its the most perfect dress I've ever seen. Nalulungkot ako dahil wala bukas ang isa sa mga taong nagparealize sa akin kung gaano ko kamahal si Aj. Naalala ko nung nagaway kami ni Aj.


"Ysha tinanong mo ba si kuya sa nakita mo?"


Hindi ko sinagot si K. Umiyak lang ako ng umiyak dahil sino ba ang hindi iiyak kung makikita mo ang fiance mong may kahalikang iba?! Ano kukuha ba dapat ako ng popcorn at manonood?!


"Wala na kaming dapat pagusapan!"


Kasalukuyan kaming nasa canteen ni K at Jazz ngayon. Para akong batang nawawala sa ayos ko ngayon. Si K abala sa pagpapatahan sakin samantalang si Jazz kumakain sa harapan ko.


"Ysha you want?"


Ganoon niya ako icomfort. Inaalok niya ako ng pagkain. Wag kayo! Kahit siguro siya lang ang kumakain sa harap ng madaming tao hindi siya mangaalok. Umiling na lang ako dahil kahit nagugutom ako wala ako sa mood kumain.


"Ano ba talaga nangyari Ysha? From the top!"


Sinimulan ko naman sa simula kung ano ba talaga ang nangyari. Pumunta kasi akong faculty dahil magpapasa ako ng papers kay Ms. Jimenez. Maganda pa ang mood ko nun dahil nga magsusukat ako ng wedding gown mamaya.


Kakatok sana ako ng makita kong may siwang ang pinto. At doon ko nakita ang lalaking iyon may kahalikan! Si Ms. Rosales! Mga walang hiyang sila. Naabala naman ako sa pagkwekwento ng marinig kong sumisigaw si Aj.


"BABY!"


Tumayo naman ako sa pagkakaupo dahil dun at dahil sanay na ang mga tao dito kaya tinuro nila ako. Tumakbo naman ako palayo sa kanya umiiyak pa din ako.


My Teacher is my Husband Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon