Ysha
Ano bang inaakala ko? Kaming dalawa forever? Magiging masaya lang kami palagi? Siya talaga ang lalaki para sa akin? Syempre OO Hahahah 3 araw na ang lumipas simula ng maging official ang lahat samin ni Aj
Iyong alam na ng mga magulang namin kung ano talaga ang meron samin. Hindi na lang ito isang simpleng arrangement dahil mahal na namin ang isa't isa
Hindi maalis sa labi ko ang ngiti. Kasalukuyan akong papasok ngayon dahil 3 araw na din akong hindi pumapasok. Bakit? Dahil tinatamad ako ganito talaga ang magaganda may tinatagong katamaran
Nagaayos ako ng gamit ng maramdaman kong may yumakap sa akin. Para akong nakukuryente tuwing lumalapit siya sa akin. Napangisi na lang ako dahil halata namang naglalambing na naman siya
"Anong ginagawa mo?"
"Obvious ba? Papasok ako aba Aj sobrang suportado mo naman ata ako sa pagabsent"
Hinarap niya ako sa kanya at hinalikan niya ang tungki ng ilong ko. Letse bakit ba lagi sa ilong? Bakit hindi sa lips?!
"May pagnanasa ka talaga sa ilong ko!Teka papasok ka din?"
Tumawa lang siya dahil sa sinabi ko. Syempre pag absent ako absent din siya. Ayaw niyang pumayag na maiwan ako sa bahay. Delikado daw ang bahay kung maiiwan ako. Hindi ko nga alam kung matutuwa ako o maiinis eh
"Papasok din ako and may quiz tayo"
Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Para tuloy ayoko ng pumasok. Pero 4 months na lang gragraduate na ako tatamarin pa ba ako? Napagusapan na din namin ni Aj na tsaka kami magplaplano ng kasal pagkagraduate ko
Magreresign din siya kasabay ko grumaduate aba mahirap na madaming babae pag school! May tiwala ako kay Aj pero sa mg haliparot wala!
"Matagal ka pa ba gragraduate?"
"Para kang hindi teacher! Bakit ayaw mo na ako makita sa school?"
Nagkunwari akong nasaktan. Idinikit lang ni Aj ang noo niya sa akin. Mas lalo niya akong niyakap. Wala pa ring pagbabago tuwing malapit siya kinakabahan ako
"I just want you to be mine. Entirely mine"
"I'm already yours sir"
Hinawakan ko ang pisngi niya at ako na mismo ang humalik sa kanya mabagal kumilos eh. Humiwalay si Aj sa akin na para bang tuwa tuwa siya dahil tinawag ko siyang sir
"Ohhh I punish late students"
Humagikgik na lang ako dahil mukha kaming tanga. Pumasok na kami sa school and as usual pinagtitinginan pa din kami. Seriously? Hindi na sila nasanay. Humarap na ako kay Aj dahil kailangan niya pang pumunta sa faculty
"Okay see you in room sir. I love you"
Hinalikan ko siya sa pisngi at bumulong sa kanya. Naramdaman ko na umangat ang labi niya. Kinikilig ang mokong. Patay na patay talaga sa akin. Pumasok na ako sa room. Ilang minuto lang dumating din si Aj. Katulad ng sinabi niya nagquiz nga siya. Mokong na iyon hindi man lang naawa sa akin
BINABASA MO ANG
My Teacher is my Husband
RomanceWe fall in love by chance. We stay in love by choice. Start: May 10, 2016 End of Book 1: April 6. 2017
